Low Milk Supply

Hello po mga mamshie. Bakit po kaya ganito sobrang hina ng gatas na lumalabas sa breast ko. Nung pagkalabas ko naman ng hospital mga 4 days bago lumabas gatas sakin. Tulo siya ng tulo nun,Malakas naman.Kaso hindi nadede ng baby ko kase naiwan pa siya sa ospital nun dahil nagkaroon ng infection daw sa dugo. 7 days siya doon at formula milk ang dinedede nya non sa nursery. By the way cs nga po pala ako. 1 month 1/2 na ni baby gusto ko sana siya ibreastfeed kaso pag pinadedede ko sa kanya iyak ng iyak tapos tinatanggal nya dede ko sa bibig nya. Wala siyang makuha sa akin. Hanggang ngayon nagfoformula pa rin siya at nakakailang lata ng ng gatas nauubos nya.Ang mahal pa naman ng gatas. Minamassage ko naman at pinipiga para lumabas pero wala talaga sobrang konting konti lang. Umiinom na rin ako ng malunggay capsule, kumakain ng masasabaw at maraming tubig pero bakit kaya ganon?

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Same goes with me momsh, nakaka frustrate lang na hindi ko mapa breastfeed yung baby ko naiinggit ako sa mga friends ko na bagong panganak lang din na walang kahirap hirap nakapagpa breastfeed sa mga babies nila. Bumili pa ko nga breastpump momsh, nag try ako mag pump after a week pero kokonti talaga lumalabas, hindi ko alam kung bakit, umiinom naman ako ng malunggay capsule. Minsan tumutulo yung gatas ko sa damit ko, pero pag pinadede ko na kay baby umiiyak lang siya at inaalis niya bibig nya kahit tama naman yung posisyon ng pagpapa latch ko sa kanya. At tama ka momsh, ang mahal ng gatas :(

Đọc thêm

Kasi po formula 1st na dede ni bb mo dapat sana sa dede mo kahit walang gatas na lumalabas kasi ganun din nangyari sa akin cs din po ako 1st talaga walang gatas na lumalabas sa dede ko mga 3 to 4 days pa po bago ako nagkagatas ang ginawa ko po pina dede ko lang nang pinadede yung bb ko kahit walang gatas na lumalabas.. hanap hanapin ni bb yung dede mo kasi yun yung una nyang natikman..sa sitwasyon niyo po mahirap na mag dede c bb mo kasi iba yung nakasanayan na niya..pro e try mo parin sis hayaan mong umiyak pag gutom na talaga cya dedede yan nang kusa sayo..

Đọc thêm

same po tayo ng experience mommy. cs din ako at nagka infection sa dugo ang baby ko. kanina lang nakalabas ng hospital. ngayong araw lang din tumigil yung gatas ko. matigas ba dede mo mommy? matigas ang akin. dinedede naman ni baby kaso nagkasugat yung utong ko sobrang sakit kaya tinigil ko pagbbreastfeed ko kasi baka makain nya langib ng sugat o kaya dugo kahit onti lang. nagtry din po ako ng pampalakas ng gatas, wala pa rin. baka daw po umurong na yung gatas. sayang naman po.

Đọc thêm

Oo mamsh. Nung pang 4 days ko pagkatapos lumabas ng ospital tulo ng tulo yung gatas sa dede ko nun masakit at matigas din dede ko nun. Nagulat n nga lang ako bakit nawala namn na humina na. Tinatry ko rin naman minsan si baby padedehin sakin pero iyak ng iyak tas tinatanggal nya naman kapag pinadede ko sakin kaya pinagfoformyla milk namin. Tinatry ko pa rin naman baka sakaling magkameron pa eh. 1 1/2 month na nga po ni baby eh

Đọc thêm

If you really want to breastfeed your baby mamsh, join ka sa breastfeeding pinays na group sa facebook and mag post ka dun or search sa search box ng group. May mga breastfeeding consultants dun.

6y trước

Oo mamsh. Nagjoin nako kaso di pa inaapprove ng admin

Inum k ng malunggay capsule ...bfore kse ako mhna dn gatas un lng nrcta ng oby k skn aun ilng arw lng lakas n ng gats ko ...den lge k mg sabaw lgyan m dn ng malunggay sis mabisa un

Influencer của TAP

Malunggay soup, hot compress sa breast habang minamassage likod, palatch mo lang kay baby para tuluyang lumabas

kasi daw po nasanay na sa formula milk kaya ayaw na po dumede sa inyo since 1week kamo po hindi napabf.

Thành viên VIP

Try to go to Arugaan of Ines Fernandez din po. Patulong kayo.