1 Các câu trả lời

VIP Member

Madameng considerations ngayong panahong to sis. Gano kalayo yung place mo sa pag aanakan mo at sa bahay ng family ng bf mo? Isipin mo din yung safety ng pagtravel travel. Maganda yung point mo na sa inyo ka kung saan ka mas magiging komportable. Pero kung nag aaral yung bf mo, di mo din sya makakasama sa inyo? Mas okay sana na dalawa kayong magtulong sa baby. Maganda na matuto din sya papano ba maging daddy. If one month mo lang plano sa inyo, tingin mo ba kakayanin mo na after that month if lilipat ka sa side ng bf mo? Same pa din mangyayare, makikipasuyo ka pa din pagkelangan. Kaya pag isipan mo mabuti lahat ng angulo tsaka long term ang isipin mo lalo ngayon ang hirap magpalipat lipat. Ako noon sa side ng asawa ko ako nagstay pagkaanak. Gusto ko sana sa side ko kaso dun na din kase kame nakatira at kita ko naman na excited sila lahat sa baby kaya dun na lang kame. Madameng times oo nakakahiya makisuyo. Tsaka ang hirap gumalaw sa paraang gusto mo. Tas andame ding pinapagawang sinauna na di ko na din natanggihang gawin. Pero naging maayus naman lahat. Ang pinaka importante magiging maayus si baby. Sana makapagdecide ka ng tama. Kaya mo yan. Ingat lagi

malapit lang naman po yung bahay namin , saka dito po kasi sa place ni bf andaming nag papositive .. yun lang din po yung iniisip ko. na kung ipapakisuyo ko si baby.. eh hindi ko naman din sure kung saan nag pupunta yung mga tao dito sa kanila 😔 ..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan