new born
hello po mga mamsh gusto ko na sana mag unti unti ng gamit ni baby mag 8 months na siya then first baby ano ano po kaya mga needs kung mga gamet??thanks for help
ako nagsisimula na 6 months paisa isa every week ainasabay ko sa pag grocery example thia sunday bibili ko ng ALCOHOL next week naman Betadine ganun para makaipon ng gamit ni baby.. kase yung sa panganay ko nabigla ng gastos sabay sabay lahat as in yung ipon ndi pa sapat kaya natuto na ko 😊😊 lalu na ang PAPA lang namin ang nagtatrabaho tulong na rin para sa panganganak ko yung gastusin na lang sa hospital ang paggagamitan ng pera 😊😊 Pero since 8 mos ka na yung bilhin mo yung mga gamit na gagamitin sa panganganak mo Like adult diaper, new born diaper, sanitex pad, alcohol, bulak, baby wipes, pempemwash or kahit anong preferred mo, babies clothes, betadine, babies soap or shampoo, yung milk bottle alam ko bawal yun sa mga hospital pumapayag lang sila if ever talagang wala kang breastmilk kase nga sinusulong ng DOH ang breastfeeding so ndi ko inaadvance depende sa inyo ng partner mo.. Goodluck momshyy and GodBless po..
Đọc thêmbilhin mo muna mommy yung mga importante like baby clothes (lampin mittens socks bonnet) tapos baby essensiatials like cotton wipes baby oil baby soaps bottles alcohol diaper tsaka muna bilhin yung iba pwede nmn kasi bilhin yun kahit pag anjan na si baby. lalo na kung d nmn ganoon kalaki sahod and budget mo mommy. yung mga iba na essentials gaya ng steamer ng bottles kung pwede nmn pakuluan nlng mga bottles wag na bumili be practical ika nga
Đọc thêmKami s 1st baby namin mga damit,lng binili nmin. Nakaipon kasi kami s pagpunta s Makati Med pra umattend ng pregnancy and beyond nla na ginaganap monthly. Ung diaper,baby wash and shampoo, bio oil, pinamimigay lng dun. S totoo lng isang beses lng ata nmin nabilhan si baby ng baby wash ng naubos ung naipon namin. Tpos ung ibang diaper pinamigay na namin.. Ngaun 2nd baby na kami nag start na ulit ung s makati med kaya attend attend ulit kmi
Đọc thêmAko po since sakto lng ang income ni hubby, 2days before pay day nag aadd to cart ako😂 nsa 170-200 lang ang nbbwas s sahod nya...may pa ako manganganak crib and crib set comforter nlng ang kulang ni baby 😁 ndi nmin nrmdmn ung gastos sa mga gamit ni baby😅
Mga damit nya sis.. pati ung mga kakailanganin sa hospital mga alcohol betadine bulak diaper nyo pareho ni baby ihanda na sa bag.. ung mga bagong damit ni baby dpt nakalaba at plantsa
Anong betadine po ito? Ung sa sugat po ba? Ftm po salamat
Almost complete nung 6mos pa... For baby bath soap and shampoo, wag po muna cetaphil baby. Mas preferred ng mga OB and pedia and Aveeno and J&J cotton touch.
Baru baruan mamsh, kaso kahit 6pairs lang mabilis na kasi lumaki si baby ngayon.. Saka yung mga essentials, alcohol, betadine, cotton, baby oil,
Mga newborn clothes mamsh, mittens, socks, bonnet, onsies, swaddle blankets, diapers, wipes, soaps and shampoos, and etc pa po.
ako din paunti unti ng bumibili. 23weeks pa lang ako. sa shoppee sis magabang ka sale lalo na sa wipes ang sulit
mga baru baruan muna mami
Preggers