Hi po . Meet my Little One! Baby Sky ❤️❤️❤️
February. 28, 2020 at 8:47 PM
Normal Delivery.
Nag labor ako 16hrs.
First time Mom here. Just want to share my Experience.
Feb. 28 ng 4am nagising ako kasi sobrang sakit ng balakang ko, sakto punong puno na pantog ko ng wiwi kaya nag punta na ko sa Cr para umihi after nun medyo nawala tapos balik uli ako tulog. Tapos pag gising ko naman ng 6am masakit pa din pero umihi uli ako tapos medyo nawala uli ng seconds. After nun bumalik ako higaan para iligpit na yung higaan, maya maya sumakit na naman sya , yung tipo na iba na pakiramdam ko parang natatae pero hindi with matching masakit na balakang. Nung una di naman ako napapaisip na labor na yun kasi ang Due Date ko is March 6 hanggang sa umabot ng hapon pero mas lumala na yung paglalabor ko sabi nt biyenan ko sinyales na malapit na ko manganak pero baka di pa naman daw ngayon.
5 :58 pm di ko na kinakaya kasi sobrang sakit na yung tipo na di na ko makatayo kaya nakahiga na lang talaga ako. Tapos yung mister ko pinainom ako ng itlog na may Tubig
6:27 Pm naisip ko umihi kasi ihing ihi na din ako. Pag ihi ko may nakita na lang akong dugo sa panty ko dun na ko nag sabi na dinugo na ko tsaka kami tumawag ambulansya kasi probinsya nga mahirap mag antay ng sasakyan lalo na gabi na kaya tumawag na kami ambulansya. Pagdating ng Hospital chineck na BP ko, at higit sa lahat I.E. sabi sakin ng doctor huli na daw ako na pumunta 9cm na bat ngayon palang daw ako nagpasugod. Kaya habang nagsasabi na si Doc di ko mapigilan mapa Ire ng ire kasi lalabas na talaga kahit di pa sinasabi ng doctor na wag muna. Eh bigla ako napa ire kaya pati tae lumabas na sakin ? Yun yung nakakatawang experience ko dun bago ko makita si LO ko. Pagtapos nun dinala na agad ako sa Delivery Room nilinis na yung pwerta ko pati yung pwet kasi napatae ako.
Habang nililinisan na ko nagsalita na ko na di ko na kaya tiisin kaya nag dali dali na yung mga nurse sakin. Eto yung part na kinatatakutan ko yung magupitan ng pwerta at tahiin. Pero nung paglabas na paglabas nya napaka worth it lalo na yung narinig ko yung 1st na iyak nya ❤️❤️ at nung pinatong na sya sakin sa dibdib sobrang sarap sa feeling. Mapapasabi ka na lang ng "Thanks God nakaraos din , napaka Worth it" kahit masakit magupitan at Tahian ang pwerta , mawawala sa isip mo yung sakit lalo na pag si Baby mo na yung maiisip mo ❤️
Welcome to the World Baby Sky kooo! ❤️
arlynelquiero101@gmail.com