Hindi na nakainom ng Folic Acid

Hi po. Matanong ko lang po if okay lang po ba na since nung 7 weeks ko di na po ako naka inom ng folic acid? Kasi since nung 6 weeks nung ako nakainom ako nakadalawa lang kasi lahat nalang ng kinakain ko naisusuka ko. Tapos uminom ako ng gamot bigla ko nalang naisuka tapos di ko na gusto ang lasa. 9 weeks na ako ngayon medyo okay na pakiramdam ko pero suka parin ako ng suka. Kamusta po ba? Okay parin po ba ang baby ko? Di naman po ba nakakasama sa kanya? Pwedi po ba kapag okay na talaga ako saka ko nalang inumin yung folic acid ko? Please pasagot po. Thank you.

31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yan ang problem ko nung 1st to early 2nd tri ko nun, ang ginawa ko po ay bumalik ako sa OB ko at pinalitan nya ng ibang brand at thank God, umookay ako sa brand na yun (kahit na may all day suka at hilo pa rin ako until 16weeks nun) gamit ko nun ang obimin then pinalitan nya ng OB Max and sa gabi ko iniinom yung inaantok antok na ko para di na ko masuka talaga. Nung umokay na ang pakiramdam ko like yung bumalik na yung gana sa food, wala ng suka at hilo, saka pinabalik ni OB ko ang Obimin, until now nakapanganak na ko pinapatake nya pa rin yun dahil breastfeeding naman ako ngayon. try mo magpapalit ng brand kay OB, kasi very important yan sa 1st tri lalo, kulang ang healthy foods kasi kaya need ng supplement

Đọc thêm

Try to look for vitamins na hiyang ka. ako rin kasi grabe ang pagsusuka. kahit pagiinom ng tubig ay isusuka ko, kaya ang ginagawa ko bumibili lang ako ng iilang pirasong gamot, tignan ko muna if hihiyang ako. then wag ka bumili ng folic acid with iron, masusuka ka talaga doon kasi di okay anggo nung iron. kain ka rin ng paunti unti lang. para di mabigla tyan mo at masuka. dbaleng time to time kumakain ka ng unti unti. ako right now, 17 weeks na pero sumusuka pa rin ako. kaya sobrang hirap. kaya natin to mommy!

Đọc thêm
2y trước

ang OB ko kasi generic name lang sinusulat sa gamot ko kasi sabi nya ako na raw maghanap ng kakahiyangan ko. kasi mamaya mag recommend sya tapos di okay sa akin, ako lang daw kawawa. and if you need to rest talaga, magpahinga. :)

Mommy itake mo po talaga ang Folic Acid kasi importante talaga yan sa development ni baby, nung whole pregnancy ko hate na hate ko talaga folic acid dahil nakakasuka sya itake pero tinake ko parin kasi gusto ko maging healthy si baby. Di pa naman din po too late na uminom ka ulit. Tip lang po, nung nagtatake pa ako after ko uminom ng folic acid, kumakain ako agad ng matamis like isang nips ganun, para mawala agad lasa sa mouth ko.

Đọc thêm

Same sakin. Panay ang suka ko din. But What I am doing is pag kakain. Alam ko na kasi na baka masuka ako. Kaya di muna ako iinom agad ng gamot. Ill wait a few hours if masuka. Tas pag okay na. Inom ng folic acid na with tubig na malamig. Nakaka help daw ang malamig to reduce paglalaway para di ka masuka. Tiis lang mamsh pag nakainom ka na ng gamot. Para naman yan kay baby po. Para ma make sure wala sya birth defects.

Đọc thêm

Folic acid is very important lalo na 1st trimester. Kahit nga po hindi pa buntis nagfofolic acid na para sure na sapat once magconceive. Try to search po sa google it's importance for your awareness na din. That way, you can decide. If kaya naman po magtake, try QUATROFOL. mas mabilis yan maabsorb ng body compared to other folic acid meds daw and nireseta saken yan hanggang week 14. Then, ibang vits nmn onwards.

Đọc thêm

Pinaka importante po ang Folic Acid during first trimester kase dito po unti unting nag dedevelop so baby . Tiis po muna mamsh kung nasusuka or napapangitan sa lasa Kase yung folic po ang mag hehelp kay baby para madevelop ng ayos at maiwasan ang mga Birth Defects sakanya . Mas okay napo na atleast alam naten nabibigay natin yung needs ng baby kesa mapraning po kayo soon .

Đọc thêm

Kailangan mo inumin Ang folic acid kasi dyan nag dedevelop si baby . Nasa stage ka pa Ng 1-3months malamang may mararamdam ka Po talaga na pagduduwal o iba pa . Inumin mo sya para Kay baby . Importante Ang folic Acid Misis wag mo indain Ang nararamdaman mo isipin mo Ang baby better yet baka di mag develop si baby mo hanggat maaga pa take your vitamins.

Đọc thêm

Naku yan pa nman pinaka-importanteng prenatal vitamins during 1st trimester kase dyan palang ngdedevelop ang baby. Makakatulong yun para maiwasan ang birth defects,kailangan mo inumin yun or better balik ka sa OB mo at papalitan mo ng ibang brand.

Influencer của TAP

Sa akin Puritans Pride na Folate, yun ininom ko kahit hindi ko pa alam na buntis na pala ako kahit may symptoms na. Buti nga nakainom na ako agad ng folic. Pero nagswitch agad ako sa ferrous + folic na bigay sa health center kasi mukang mas maganda, may ferrous na kasi na kasama.

Consult your obgyne. Folic acid kasi ung tumutulong sa pagdevelop ng baby to avoid abnormalities. Habang kaya pang habulin, mahirap magkaron ng physical problem baby mo kasi isipin mo ung lifetime niyang dadalhin yan paglabas niya.