Speech delay na ba sya???

Hello po magandang araw. Ako po si vheng 28 years old.May tanong po Sana ako about sa baby ko. Si baby ko po kaka3 Lang po nya last April 30. Medyo Di ko po naiintindihan ung Mga sinasabe nya para syang Korean kapag Nagsasalita,tapos po lagi Lang po nya tinuturo ung gusto nya o ung gagawin nya like naiihi sya o iinum Ng tubig..nauutusan ko po sya magbitbit o ibigay ung isang bagay.sometimes may Mga words po sya na nababangit nya like sounds Ng animals,parts Ng body,name Ng animals may time din na Kung ano sabihin namin may point na nasasabe nya. Ung pinakaconcern ko po is ung salita nya pong Di ko maintindihan Lalo kapag alam ko pong nagkukwento sya ang daldal nya Pero po Di ko magets ung sinasabe nya.at ung mama nya madalang nya pong mabangit 😞😞😞 Ano po bang pwde Kong gawin.??

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Momsh pwede nyo po syang patingnan sa Speech-Language Pathologist since yung language development nya ang concern nyo. Follow nyo po Teacher Kaye Talks sa Fb. Isa po syang Speech-language pathologist. Napaka helpful and informative po ng mga content nya lalo na sa mga parents and caregivers. Meron din po syang youtube channel, watch nyo po mga videos nya. Madami po kayong matutunan na helpful tips and techniques pagdating sa early language development in children.

Đọc thêm

in my case parehong pareho sa anak ko 4yrs n siya na nadiagnose ng Autism Spectrum Disorder with Language Impairment Level3 kala ko delay lang ang speech nia tska wla siya sakit kya very hyper pero autism n pla un kya better ipa assessment nio na mommy pra mbgyan ng therapy kmi waiting nlng ng skedyul for therapy eh

Đọc thêm

Mommy mahilih ba siya mag phone? Bawas bawasan po. Yung anak ko dati purp phone lang din nanunuod kase wala kaming tv kaya di gaano marunong magsalita. Hindi na po namin pinapahawak nb phone ngayon. And kausapin niyo po siya lagi yung dahan dahan lang.

baka po nakakanuod sya sa youtube ng ibang language.. genyan po kase pamangkin ko mahilig manuod sa gadget tapos napapansin ko po mga pinapanood mga ibang lengwahe or baby talk sinasabe ng mga bata dun

Thành viên VIP

Mommy makipag-usap lang po kayo palagi Kay lo, wag po kayo mapagod na turuan sya Ng correct words, at palagi nyo po sya kukwentuhan, may kalaro po ba sya mommy?

3y trước

Meron kame kapitbahay dito may baby din Kaso 2 years old,tatlo Lang kame sa house

Thành viên VIP

Of course iba iba naman po ang development ng mga bata pero if bothered kayo syempre dahil 3 na sya, pacheck nyo na po siguro

Thành viên VIP

meran po talagang ganyan mommy nadedelay ang speech. kausapin nyo lang po sya ng diretso wag po baby talk.

Pinakamaganda mong gawin Pa sched po kayo appointment sa DevPed.. Para ma assess po si baby..

3y trước

Ito po the best na gawin. Kailangan ma diagnose ni baby if meron ba talaga syang speech delay, and if meron, ano ang pwede mong gawin para ma address ito. Kayang kaya malampasan yan mommy. Ganyan din eldest ko. Diagnosed at 3 years old pero after 1 year of intervention, ok na. Wala na syang speech delay 🌷

kausapin nyo lang po palage. less screen time po. saka no baby talk.