27 Các câu trả lời

Sa ganyang edad sa US as early as 18 months may early intervention na sila. Mag sisimula na dapat sila ng speech theraphy. Sa atin kasi dito hindi uso yan kaya ang ginagawa hinihintay nalang na magsalita. Frustrating kasi sa baby kung hindi niya ma express ang gusto nyang gawin kasi hindi natin sila naiintindihan. Kaya maraming tantrums ang mangyayari. Tayong mga magulang may magagawa tayo para tulungan sila. Limit screen time (tv, mobile, computer). Iniisip kasi natin pagpinapanuod natin sila ng educational videos maghapon tatalino ang anak natin. Hindi po ganun. Huwag nyo gawing teacher ang videos lalo na sa ganitong edad. Read, talk and talk, make an eye to eye contact habang nagsasalita tayo sa kanila. I have a 20 month old that can string 3 words na. Infact she started lately four words pero minsan pa lang. hindi siya bolol at naiintindihan talaga sinasabi nya kaya less tantrums kami kasi nasasabi nya ang gusto nya at naiintindihan namin. Nag kukwento na nga siya minsan sa nangyayari sa kanya pagpatulog na kami at tinatanong ko siya. Simple lang ginawa ko screen time is not allowed unless yong mama ko nanunuod ng tv at balita pero pinapanuod lang niya commercial lang. i don’t use mobile pag gising siya. Nag cecelphone lang ako pag tulog na siya at pag minsan hawak ko cellphone ko at may kailangan siya o ipapakita sa akin bibitawan ko talaga at uunahin ko siya. I talk to her kahit nong baby pa siya kahit na nagmukha na akong tanga. Read books ng paulit-ulit, sing to her kahit twinkle twinkle little star lang alam ko at row row your boat.😂 kaya i have books na nursery rhymes kaya babasahin ko nalang. Follow nyo din speech sisters sa instagram may mga tips sila paano turuan magsalita ang mga babies. Good luck!

Well said mamsh,good advice. Same tayo ng practice. Di ko din naranasan na magtantrums 2 kids ko kasi kaya naming magcommunicate. Di ko marecall kung ilang months nagsimulang magsalita panganay ko pero early din,yung bunso ko naman 14 months old na ngayon and nakakapag salita na rin sya ng few words and sinusubukan na din nyang gayahin kung anong sinasabi namin. Mejo nakakaworry nga lang talaga kapag 2 yrs old na at di pa nagsasalita pero konteng tyaga lang ng pagtuturo yan,magsasalita din yan. Imbes na mastress,mas okay magfocus sa pagtuturo kay baby

Yong panganay ko sis, mag 3 years old na this coming sept. ayuko, mama, papa, no palang nasasabi nya. nong una nagwoworry ako pero ngayon di na, kasi di lang naman anak ko ang may gantong case, tsala naisip ko din kahit ano pa gawin ko kung hindi pa talaga magsalita wala ako magagawa.. pero correction never po ko nagbaby talk sa anak ko, lagi ko din kinakausap at pinapanuod ko ng educational na palabas kaya ayon po hintayin nalang po natin magsasalita din po yan! 💪😊

VIP Member

Gesture is a sign of communication.my son was diagnosed speech delay, well thankful na din ako dahil speech delay lng tlga. As long as nakakaintindi and my eye contact at walang repetitive movements ok lang yan kami kase di namin knkausap dati baby sobrang nagsisi ako until now and also naadik sa gadgets

VIP Member

Kausapin nyo lang po ng kausapin para masanay sya sa everyday conversations. Wag masyado magworry dahil may kanya kanyang pace of development ang mga bata. Yung nakakasabi sya ng mama at papa ay magandang sign po. Encourage nyo lang mommy 😊

Hehe effective Po ung wag niyo Po siya I baby talk. Kausapin niyo Po ng normal..and Tama ung ipa hearing screening din pero pacheck niyo Po muna sa pedia para mairefer kayo ng maayos.. pwede din sa dila ang prob.

VIP Member

Pacheck up nyo po sa developmental pedia. Walang masama magpaconsult sa doctor. Hindi dahil pinaassess mo eh di n normal anak mo. Early intervention is very important.

Napahearing test mo ba sya nun baby pa lang? Kung pasado naman hearing test nya, no worries... baka delay lang ang baby mo... ung pamangkin ko 4yrs old bago magsalita😊

VIP Member

ganyan mga pinsan ko dati.. late sila nkapagsalita pero mga bibo.. may mga batang gnyan mamsh wag ka magworry bsta kausapin mo lang palagi at nuod movies at tv

Ung anak ko ang bagal din bago natuto magsalita. 2 years old siya noon di pa masyado nagsasalita pero nung bago siya mag 3 years old naging madaldal siya

No mommy, may mga baby lang po talaga na late ang development as long as nakaka understand siya ng direction or instructions nothing to worry

Ganito din sinasabi samin ng pedia ng anak ko. Paulit ulit ko kasi tinatanong if need na ba magpatherapy. Hindi naman daw at tatatas din ung anak namin. He is 3 na. Lagi nagtatanong byenan ko bakit daw di pa nagsasalita. Bakit daw ung iba @ 1 nagsasalita na, syempre nakakalungkot un di ba. Nagsasalita naman ung anak namin di pa lang kasing tatas ng iba. Ang importante daw as per the doctor eh naiintindihan kami at nakakasunod sa mga sinasabi namin.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan