MASAKIT NA TYAN
Hello po. Last last night po kasi sumasakit yung tyan ko. And kahapon po nagdecide na ako pumunta ng hospital sa sobrang sakit ng left side ko. Mag 28 weeks na po tyan ko sa friday. So mahirap po manghula kung sumisiksik lang si baby or may sakit talaga ako kasi as in namimilipit na ako sa sakit. Kinuhanan po ako ng blood and ininjectionan din ako ng gamot para ma lessen din yung sakit ng tyan ko. And nakita po na may dugo sa urine ko pero di naman sinabi kung bakit po may dugo basta lang ako niresetahan ng isoxuprine na gamot. Which is hindi ko pa binibili kasi hindi naman po sya ob. Bbilhin ko po ba yung gamot or hindi. Kasi natatakot po ako bilhin kasi hindi naman sya ob eh. Hehehehe. Thanks po.