9 Các câu trả lời
same mi 22 weeks nag brown discharge na light with yellow consult agad ke ob . ultrasound ok si baby then nag ie close cervix .. isox 3x a day for 2weeks and bed rest .. nawala nmn discharge for a week nung malapit n matapos bedrest naulit brown discharge nag online consult kay ob tapusin daw bedrest and isox. pero same parin the next day . then sobrang worry ko nag pacheck ako sa ibang ob nung 24 weeks . urine test may onting bacteria , pelvic ultrasound nakitang may contraction nag ask sya if gusto ko pa transv para m check cervical length ayun mi nakitang sobrang baba ng cervix . nag ie n din sya and 1 cm n open cervic . now 2 days n kong naka confine para maiclose cervix so far nabawasan n discharge walang discomfort pag naninigas.. STAY SAFE MII .
Hi mi. 33 weeks na po ako ngayun pero buong pregnancy journey ko is Bedrest ako.. tatayo lang pag CR break or kakaen pero nasa kama padin ako.. simula nalaman Kong preggy ako as early as 6weeks brown discharge na palage ako naka depende ako sa Duphaston at Duvadilan. 2nd trimester ng umigi ako.. nawala yung brown discharge ko pero pag tuntong ng 3rd trimester bumalik siya, na admit din ako para sa swero padaanin yung duvadilan, nasaksakan na din ako ng para sa lungs ni baby.. tho, lahat ng 6 ultrasounds ko including BPS ay normal, high lying and no placenta previa.. never nagka UTI... until now meron ako brown dischrge Hindi din masabe ni OB bakit ganun.. Bedrest nalang ako hanggang Mai fullterm ko si baby..
Mi di ka ba pinag strict bed rest? The only way para di ka na mag spotting at bed rest. Kasi you're on pampakapit na pala. Pag placenta previa usually pinag bebed rest na e. Nag bleeding ako sa firsr pregnancy ko. Then spotting onting lakad lang as in cr lakad lang ganon. Pinag bed rest ako for 2 months. After non nag work na ko uli. Unfortunately nawala na din si baby at 4months. Kaya pls mi bed rest ka po. Preggy ulit ako ngayon, blessed na hindi ganon kaselan at nakakapag work araw araw and di na din ako nag bed rest ever since. Sana maging safe at healthy tayong lahat mi. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Lagi sinasabi ng ob ko mi "dont attract negative forces. Always be happy" think positive at all times mi kahit minsan mahirap maniwala. 🤍🙏🏻
Mas better po na total bed rest na lang po kayo baka kasi my possibility na mag pre-term labor kayo kapag magalaw. Sakin po kasi na experience ko rin magkaron ng brown discharges pero sa first trimester na lang at nawala na nung nag 2nd trimester. Sa case nio po kasi placenta previa po kau so need nio talaga ng total bed rest at baka my chance na tataas pa yung placenta nio para makapag normal delivery kayo. Pede rin naman po update nio lang yung OB nio through messenger or text kapag my nararamdaman kayo, no need for consultation na po.☺️
total bedrest ka po dapat momsh kasi placenta previa ka po at di lang partial, kundi total.. pag kasi lakad ka ng lakad nababanat lalo yung placenta po.. nagcacause ng minimal bleeding kaya wag ka muna maglalakad.. hayaan mo muna husband mo or kung sino ang kasama mo na pwede mautusan. and CS po kasi talaga pag placenta previa kasi very dangerous for you and baby pag normal delivery.
Truee.. konting lakad lang, maya maya magiisip ka na naman na baka may discharge ulit. Mapapraning ka na naman ganun. Nireready ko naman na sarili ko sa kahit ano pang maging procedure ang gagawin, basta lang safe kami pareho ni baby Momsh 😊
Hello mommy, pray tayo na maging successful po lahat ng pregnancy journey natin especially sa mga kagaya niyo po na high risk at may mga complications🙏 Ako po kasi no complications and not highrisk. Never din po nagkaron ng bleeding or spotting. Wala din pong mga pain. Ngalay, ngawit lang po ng balakang at dede iniinda ko.
Yes, prayer is the best key Momsh 🙏💪
hi mommy, same here po. 23 weeks pregnant na ako, i was advised also by my OB to take isoxilan for 5days, pro ngayon may pinkish to brownish discharge pa rin 😟 pinag bed rest din ako
Kapit lang Momsh. God will protect us 🙏😊
hala mi ako din nagstart siya nung august 1 kaya kinabukasan .tumakbo agad ako ke ob binigyan ako pampakapit.3xaday for 2weeks pero nung naubos meron na naman😢16weeks preggy
Hindi talaga nawawala agad Momsh pag nagstart na kahit nagttake ka pa ng pampakapit. Big help talaga ang pagbebed rest. Magtake ka lang hanggang sa magsabi na OB mo kung pwede mo na itigil pampakapit.
hi mommy nasa 13 wks na ko ngayon normal ba yan na brown discharged ?
Not normal Momsh.. You really have to consult with your OB lalo na 13weeks ka pa lang. In my case, kahit wala pa akong brown discharges lalo nung 1st trimester nagtake na ako ng pampakapit para sigurado at hindi ako lalong magoverthink 😊
Anonymous