Ako ba talaga may mali? Or sadyang wala siyang emotional intelligence?

Hello po, I just wanna share to you guys and ask for some advice about my current situation regarding my LIP. So here it is, si hubby kasi niyayaya ko siyang kumain that time ng dinner and then he said busog pa sya kahit huling kain niya (or namin) is meryenda lang. But actually mas malakas siya kumain kesa sa akin. Nung niyayaya ko kasi siya nakatambay lang siya sa labas talking with another person about nonsense things. So niyaya ko siya for the second time, he rejected. He also did it for the third time kasi gutom na gutom na ko. Like I was being neglected. Sinabi pa sa akin “mauna kana hindi ko naman hawak yung kaldero”. Dito na piss off nako and binato ko yung cp ko sa kanya. Ako po kasi yung tipo ng tao hindi kumakain na hindi kasabay si hubby as respect po. So feel ko kasi parang nawalan siya ng respeto sakin nung time na yon. And pumasok na sya kwarto then nagrereview ako ng notes ko pinapatay niya ilaw. He’s saying that matutulog na daw sya sa labas nalang ako magreview ehh ayaw ko nga sa labas magreview kaya nga ako nasa kwarto ehh kase ang peaceful. Makakapagfocus ba ako if nasa labas ako? So dinabog ko yung notebook ko paglabag then kinuha ko baby namin pinatulog ko na. Mga moms sabi niya sakin “wag kang magdadabog dito sa pamamahay ko, ayaw ko ng ganyang ugali mo” then binato niya bag ko sa labas pinapalayas niya ako habang nagpapatulog ako ng anak namin. Iniisip ko 12am na yan, saan naman ako pupunta?? Ayaw ko din umalis na di ko kasama anak ko. About my family or parents wala na po ako mapupuntahan sa kanila wala na pong tutulong sa akin kundi sarili ko lang at hindi ko po kayang buhayin mag isa ang anak ko kung wala siya🥺. Kaya nilunok ko pride ko umiyak nalang ako hanggang makatulog nalang din ako sa tabi ng baby ko. Until now, almost two weeks na bihira kami magkibuan at hindi na din kami tabi natutulog unlike before.🥺 Nakakapagod ganitong set up. Diko ma feel presence ni hubby.

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

For me baks, hindi sa kinakampihan ko yung LIP mo ahh, may mali ka sa part na binato mo sya ng cp, napahiya mo kasi sya sa kaharap at kausap nya, ang lalaki kasi may pride, at para sa kanila mararamdaman nilang mahal mo sila kapag nirerespeto mo sila, sabi nga ng mga kakilala kong lalaki, lahat ng magagandang bagay na ginawa mo sa lalaki mawawala yan sa isip nila once na pinahiya mo sila.. pride and ego kasi nila un bilang lalaki. Baka hindi palang talaga sya gutom. Noong una ganyan din ako, feeling ko natatake for granted ako kapag di nya ko sinasabayan kumain at minsan may mga bagay sya na inuuna, kesa sakin , pero inandjust ko sarili ko at inintindi, pero hindi lang naman ikaw ang mali dito, may mali din sya, dapat inunawa ka nya, bilang babae hormones kaya paiba iba ang mood, at tayong mga babae kasi, hindi nagsasabi ng diretso at prangka, na gusto mo ng lambing at gusto mo ng atensyon galing sa kanya, maling mali din na pinapalayas ka nya ng hating gabi, maari kasi naging reaction nya un asal na pinakita mo, na hindi nya naiintindihan, mag usap kayo ng malumanay, para magkaintindihan kayo ng maayos, kasi hindi nyo na nasasabi ung mga saloobin nyo eh, kaya nagkakaroong di pagkakaintindihan, may anak kau at siya ang mas mahalaga, magsorry sa isat isa, hindi mahalaga kung sino ang tama at mali ang mahalaga maging maayos ang pagsasama nyo at magkaunawaan kayo lalu na at may anak na kayo.

Đọc thêm