Induced labor experience

I have gdm and my OB advised me na iinduce na daw nya ako pag umabot ng 39 weeks. 38 weeks ako currently and no signs of labor pa. Can you share your experience mga mommies na na induced labor po. Kinakabahan kasi ako sabi nila mas masakit daw

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

year 2022. induced din ako dahil mag 40 weeks na ko 2cm pa din at mataas ang bp. 4pm admit na ko at induced labor. kinabukasan ko pa naramdaman yung pain, sobrang sakit na walang mapaglagyan. di mapigilan di humagulgol sa sakit. Mag pray ka lang mi, hinga laging malalim at manatiling kalmado. after lumabas ni baby masasabi mo nalang na worth it yung pain. 🙏🏻

Đọc thêm

you know mi, for me it's a relief na ma induce since mapapabilis dn ang labor . yes masakit pero mas masakit nmn ung matagal mo iindahin ung labor . eh kung iindahin mo lng ng mga 1 to 3 hrs for me blessing un 😅 kasi may iba inaabot ng isang araw at kalaunan hinang hina sila .. just make sure me tulog po at pahinga para pag naglabor ka eh may lakas ka .

Đọc thêm

hi,I'm induce here 38 weeks and 2days bcoz nag hyper Tension po Ako,kaya ininduce nila kht close cervix pa,sa experience ko Yes super Sakit d mo alam kung San Mona ilapag Ang balakang mo sa subrang sakit NASA isip ko na mukhang d ko kakayanin pero in God Grace nakaya ko at kinaya ko para sa Amin ni Bb 🥰hoping na kayanin mo rin mie ☺️

Đọc thêm

Nung 38 weeks na ako, nainduce rin ako bandang alas 5pm or 6pm. Sa una parang wala lang natawa tawa pa ako, tapos unti unti sumakit puson pati balakang ko non iyak tawa na lang. Tapos ayon, nanganak ako bandang alas 7:57pm. Tapos may IE pa habang iniinduce after manganak may IE rin🥲

same may Experience din ako induce. ang pinagawa sakin nipple stimulation para humilab sabay ere ng konti pag nag contract. kinaya naman inhale exhale talaga ang isasabay mo para d ganun karamdam ung sakit. 43weeks na pero madami pang panubigan kaya safe ang baby ko. healthy naman.

induced labor din po ako since overdue na 40 weeks and 5 days ang sakit lng sobra isang buong araw ako nag labor friday ako na-induced pero nauwi padin sa ecs kinaumagahan since hindi pla kasya si baby sa pelvis ko kasi posterior ang position niya

sobrang sakit po ang induced labor, especially pag sinabayan pa ng IE, pero kaya naman po.... pag lumabas na si baby di mo na maiisip yung sakit pure happiness na.

4mo trước

Same lng nmn na masakit labor mi pero for me mas okay induced kasi saglit lng ung sakit 😅

sobrang sakit po mainduced. Para kasi syang force labor. Induced ako sa panganay ko 37w1D. 8 hrs labor pero kaya nmn po.

Sobrang sakit po ng experience ma induced. Induced ako sa dalawa ko and not for the weak siya.