For me baks, hindi sa kinakampihan ko yung LIP mo ahh, may mali ka sa part na binato mo sya ng cp, napahiya mo kasi sya sa kaharap at kausap nya, ang lalaki kasi may pride, at para sa kanila mararamdaman nilang mahal mo sila kapag nirerespeto mo sila, sabi nga ng mga kakilala kong lalaki, lahat ng magagandang bagay na ginawa mo sa lalaki mawawala yan sa isip nila once na pinahiya mo sila.. pride and ego kasi nila un bilang lalaki. Baka hindi palang talaga sya gutom. Noong una ganyan din ako, feeling ko natatake for granted ako kapag di nya ko sinasabayan kumain at minsan may mga bagay sya na inuuna, kesa sakin , pero inandjust ko sarili ko at inintindi, pero hindi lang naman ikaw ang mali dito, may mali din sya, dapat inunawa ka nya, bilang babae hormones kaya paiba iba ang mood, at tayong mga babae kasi, hindi nagsasabi ng diretso at prangka, na gusto mo ng lambing at gusto mo ng atensyon galing sa kanya, maling mali din na pinapalayas ka nya ng hating gabi, maari kasi naging reaction nya un asal na pinakita mo, na hindi nya naiintindihan, mag usap kayo ng malumanay, para magkaintindihan kayo ng maayos, kasi hindi nyo na nasasabi ung mga saloobin nyo eh, kaya nagkakaroong di pagkakaintindihan, may anak kau at siya ang mas mahalaga, magsorry sa isat isa, hindi mahalaga kung sino ang tama at mali ang mahalaga maging maayos ang pagsasama nyo at magkaunawaan kayo lalu na at may anak na kayo.