13 Các câu trả lời
Hi, same po tayo. I also have sub hem at I’m also suffering from hyperemesis gravidarum. So bed rest na ako for two weeks now, hindi naman ako nag vaginal bleeding sa placenta lang may bleeding. Tapos I was taking Isoxsuprine for one week but then nagpa palpitate ako dahil sa gamot kaya pumunta ako sa ibang dcotor/OB at niresetahan ako ng Utrogestan Suppository for 2 weeks tapos I’m also taking folic acid. Next Monday ulit ang ultrasound ko para matingnan ulit tiyan ko. So I suggest na dapat complete bed rest ka po, huwag munang mag galaw2x tapos no sex talaga. Tapos yung hyperemesis ko naman I think nawala na since yesterday kase hindi na ako nagsuka kahapon at so far today din. Sobrang masama talaga pakiramdam ko for two or 3 weeks suka ako ng suka at halos hindi na ako makakain. Kinakausap ko nalang parati ang baby ko na hindi na ako pahirapan at sa awa ng diyos I’m feeling so much better now. Muntik na nga akong masugod sa Hospital pero buti nalang obedient ang baby ko. Basta just eat small frequent meals, keep yourself hydrated and follow your OB/Doctor’s instructions.
Just a piece of advice po here.. 1. Feel free to contact your Ob po pagdating sa gamutan kasi prescription po Yan Ng Doctor mo po. 2. If mahina kapit Ni baby no galawgaw moves po talaga. Sa eldest ko napaanak ako Ng 6mos palang tummy ko dahil mahina kapit Niya, nagpumilit Kasi ako magwork that time. Pinagsisihan ko Yun dahil di nabuhay Ang premie ko. As much as possible po bed rest or higa lang po wag magbubuhat or anything. 3. If mahina kapit Ni baby abstain po muna sa sex.. marami paraan po para magenjoy pa rin si hubby.. na Hindi nakocompromise Ang health Ni baby Lalo na't first trimester mo palang po. Just an advice po. 😊 Stay safe and healthy mommy!
Thank you so much po 😇❤
7weeks 6days preggy ako.. may iniinom din akong pangpakapit kasi ngpositive din ako sa subchorionic hemorrhage 2weeks need ko inumin yung gamot after 2weeks need mgpaultrasound para macheck kung need pa b siya icontinue or stop na,. kea much better to ask ur ob po kasi si ob mas nakakaaalam kung need mo ba uminom or hindi na kasi sa case naten kapag hindi tayo susunod c baby ang delikado
Thank you mommy 😇
1. Ang pag inom po ng pangpakapit ay depende po kay doctor. Sa experience ko po, meron din ako SCH, niresetahan po ako ng doc 3x a day na pampakapit since maselan po ako magbuntis. Then 2 weeks bed rest. Nawala naman na po sya. Uulitin ko po, doctor ang magsasabi kung ilan ang iinumin nyo po. 2 and 3. Bawal po.
Thank you so much😇❤
Ask mo ob mo sis d pwede kahit saan lng tanong. And iwas sex and dancing ka talaga Kasi maselan ka. Ako nga pat friend ko eh. Sa stress lng nawala first babies namin Kasi call center kami
Thank you so much😇
Stop muna dance and sex kung mahina ang kapit. Sa gamot ask mo si ob kung ano kailangan gawin kasi sya lang makakapag sabi kung ano ang dapat. Bed rest sis kailangan nyo ni baby yan
Thank you po
Iwas po muna sex at dancing. Magbed rest ka din po kung di mo pa macontact OB mo or di ka pa makapagpafollow up check up
Salamat po
Bedrest talaga advise ng doktor ko nuong 13 weeks preggy ko meron din ako hem. sa ilalim kaya pinainom ako pkapit.
Thank you 😇❤
Pa follow up checkup na lang po kayo. Not advisable ang dancing and sex. Wait nyo na lang ang advice ng Ob
Salamat po 😇❤
pelvic rest ka muna mumsh,and avoid sìguro yun msyadong magalaw,mahirap na e,para naman kay baby
Shaira Mae Acebes-Ladaga Sedavia