Sa tingin ko hindi naman po siya spoiled brat. Pero sobrang pasaway lang talaga at walang manners dahil sa hindi naturuan. Don't take it personally, ganyang bata matagal mag mature, kaya insensitive yan, wala pang alam or hindi niya maiintinidhan yung paligid niya.
Sa ganyang bata hindi uubra yung pagagalitan mo.
Maganda mong gawin kuhain mo yung loob niya. Kausapin mo. Kaibiganin mo. Utuin mo.
Pinsan ko kasing babae nung bata NAPAKA-Pasaway. AS IN! Hindi nagdadamit, lalabas hubot-hubad, nananakit - nanununtok. Tapos hinayaan lang ng uncle at aunty ko. Ang dami na kasi nilang anak, kaya busy sila mag hanap buhay, wala na silang time mag disiplina.
That time siguro nasa early twenties ako, ang ginawa ko, habang inaambahan niya ako ng suntok, tinawag ko siya pinaupo, may binigay ata ako or pinahiram cp ko tapos kinausap ko.
Bakit siya nanununtok? (Dapat hindi ka magexpect na may maisasagot sila sa kung bakit sila ganon mag behave, kasi hindi rin nila alam kung bakit?)
Hindi ba siya natatakot sakin mas malaki ako sakaniya?
Mas malaki yung kamao ko, pag gumanti ako masasaktan siya. Mga ganon.
Yung boses ko nun malumanay lang at parang kumakausap talaga ng bata. Tapos ayun kinakaibigan ko siya tapos inu-uto, pero hindi ko siya tinatakot, kasi wala siyang kinatatakutan eh 😅🤣 Pabayaan ba naman ng magulang. Ayun sa loob ng bahay sakin lang siya friendly at maayos 🤣🤣🤣
Kuhain mo yung loob niya. Kausapin mo. Kaibiganin mo. Utuin mo. Sabihin mo "kaawaawaa naamaan sii beeybi hindii maakaa tuulog kasii nag make noise ka. 🥺 ooh? Tignan mo, gising na siya nag cry na siyaa. wag ka mag make noise, taapos dahan-dahan lang open ng door, haa? Para hindi mag cry si baby."
Hopefully it'll work. It exhausting pero parang ganyan lang ang gagana sa ganyang bata na napabayaan.