nanunumbat

Hello po, gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Siguro after nito makakagaan na rin sa loob ko kahit ppaano salamat po. First time mom po ako and dito ako nakatira sa mama ko since nanganak ako, 2 mos na si baby. Si hubby nasa malayo kaya dito kami tumitira sa bahay ng mama ko. Ok naman nung una tsaka si mama ngbayad ng pangospital ko. Wala kasi kaming naipon ni hubby, dapat sa public nalang ako manganganak kaso pumayag si mama siya muna mgbayad. Madaming gastos ang baby lalo na vaccines etc. Si mama ang nagbabayad kasi yung tiyahin ko pedia kaya gamot nalang kailangang bilhin. Tapos kaninang umaga out of the blue habang naguusap kami ng kapatid ko biglang nagsabi ang mama ko na, "Magpasalamat kayo kung anong hinahatag sa inyo mapa pagkain man yan. Pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng vitamins, pasalamat kayo nakakalibre pa kayo ng bakuna." Na stunned ako sa mga sinabi nya. Pagkain lang pinaguusapan namin ng kapatid ko tapos nanumbat na si mama. Di nalang ako nagsalita pero naiyak nalang ako sa sama ng loob. Siya may gusto na tumira kami dito dahil sapat na sapat lang ang kita ni hubby at umuupa pa. Iniisip ko rin na kahit mgkalayo kami ni hubby kahit papaano ok lang para makasama ng mama ko si baby pero may masasabi pala na parang labag sa loob nya ang pagaruga sa amin mag-ina. Malaki ang pasasalamat ko kay mama pero sobrang sakit nya magsalita. Tinawag pa nya kaming kawawa ni hubby nung makalawa dahil wala daw kaming pera, umuupa pa at walang ipon. Inaamin ko naman na kawawa talaga kami pero mas naramdaman ko na kawawa ako dahil sa mga pananalita nyang masasakit. Nahalata nya yata na nasaktan ako kaya bigla nyang nabawi pero nasabi na nya. Plano ko umuwi na kay hubby para wala na kami marinig na masasakit na salita, kasi kung si hubby naman tatanungin gusto nya dun kami umuwi sa kanya kahit mahirap ang buhay. Talagang si mama lang nacconsider namin pero may masasabi pa pala. Yung isang tiyahin ko lihim kami tinutulungan financially. Nagaabot paminsan kasi kapag nalaman ni mama siguradong magagalit. Ok lang naman sana kung tipid talaga pero kung makapagwaldas sila ng kapatid ko ng pera minsan kakain sa labas, grocery ng mga tinatambak lang naman minsan nageexpire pa dahil di na makain, pinammigay nalang. Salamat sa mga nakabasa. Pasensya sa mga nainis. Kailangan ko lang po talaga ilabas ang saloobin ko.

57 Các câu trả lời

Mahal na mahal ka lang ng mama mo kaya ganun. Soon malalaman mo rin yan dahil nanay kana, na ayaw mo makita anak mong nahihirapan. Tiis ka lang sis, give thanks parin dahil kinupkop ka nya at ang baby mo kahit nag asawa kana.

Be grateful nlng momsh, dhil tinutulungan ka ni mama mo, wag mo nlng masyado intindihin sinasabi sau. Buti ka nga na tutulungan pa, ung Iba, sinusumbatan na NG magulang wala pa maitulong. Swerte mo mamsh concern c mam mo sau

Kung kaya po don nalang kayo kay hubby mo yong nga lang talagang tiis at sakriposyo kayo ni baby maganda yong bumubukod para maranasan nyo kung pano talaga mag taguyod ng pamilya

Depressed sya Kasi Wala sila pera NG asawa nya hahahah

Natural lang yan minsan talaga may mga bagay na ayaw natin at ayaw nating marinig. masakit nakakaiyak lalo na magulang natin nagsabi. maswerte ka tinutulungan ka nya.

Di responsibility ng mama mo na "mag aruga" sa inyong mag ina. Alam mo kaninong responsibility Yun? Sa daddy ng baby mo. Wala kwenta asawa mo sis 😊

Alam mo walang kwenta? Yung mapanghusga mong post. Balik ka sa grade 1 baka di ka natuto ng good manners.

Ganyan po talaga ang mga nanay 😂 lalo na pag nag kaka edad u r still lucky u have one kailangan lang jan ay pag unawa at pag uusap

Di ko makita yung mali sa sinabi ng nanay mo. Or baka di ko lng alam buong story bakit nya sinabi yun.

What? Ano yang katangahan na yan. Di Naman habang buhay eh tutulungan ka ng mama mo!!

Ayusin mo yung comment mong mapanghusga na di naman kayang gumamit ng totoong account. Hater ka masyado. Basahin mo yung comment ng iba dito para matuto ka ng good manners. Support group to kaya yung mga words mo na KATANGAHAN di dinadala dito yan, napaghahalataan kung ano ka.

Baka stress lang si mama nyo. Intindihin nyo na lang po.

At anon, lahat ho ng nakakaalam ng situation namin nakikita kung gano kamahal ng tatay ng bata ang baby. Maski si mama kita yon kaya stop assuming and hating. Ang sad ng buhay mo to hate on someone you dont know. :)

Jusko parang si mama pa naging masama! 😂

Galit na galit ka sa sender teh? Halatang nagiisang anon ka lang ano ho? Hahaha

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan