Sakit na sa heart

Hello po gusto ko lang maglabas ng stress ko dito. Bat kaya may mga lalaking ganto? Yung sinasabi nya na umuwi ako tas malapit lang opo nalalakad lang yon pero gabi na non 11pm ata 6mos preggy ako that time may mga madadaan na madilim tapos sya sumama sya that time sa tropa nyang babaeng sumundo sa kanya kasi may lakad daw sila ng di nagpaalam sakin muna. Ganto po kasi yan andito ako sa tita ko ngayon e yung tita ko ayaw muna kami pauwiin kasi gustong gusto nya po baby ko nanggigiil po ganon (dito po Kasi ako sa tita ko na to lumaki) nagalit po sakin si lip Kasi akala nya nung wed uuwi na kami hindi pa pala edi sabi ko sunduin nya lang kami gawa ng madami din kami dalang gamit. Tapos di nya na ko nireplyan pero nakikipagchat sya sa tropa nyang gurl na dummy acc ang gamit. Tas idadahilan nya tropa nya lang yon. Tho Wala Naman ako nababasa na landian kaso nakakaselos lang kasi grabe sya makamusta sa tropa nya pero kami ng anak nya wala haha. Partida po galing sa turok anak namin at nilalagnat pero mas nauna nya pa kamustahin yung tropa nya daw. Tapos ako pa lagi pinapalabas na masama sobrang taas ng pride. Ni di man lang ako makabasa o makarinig ng sorry sa kanya. Dahil sa kanya sobrang dami kong insecurities 3 mos palang kami ng baby ko pero sobra na maglagas ang buhok ko dahil sa mga iniisip ko. Sinubukan ko na din magsuicide pero savior ko ang baby ko Kasi nagising sya that time at sorry ako ng sorry sa kanya kasi pano nalang sya wala ng magddiy ng monthly pictorial nya wala na sya taga hele wala na syang human pacifier pag nagkataon. Sobrang sisinv sisi talaga ako. Ngayon pinipilit kong maging malakas ang loob ko araw araw pero pano ko magiging malakas kung sarili kong partner di ako maintindihan :(

28 Các câu trả lời

VIP Member

Nakakalungkot at nakakagalit makabasa ng ganito. Sa relasyon talaga,pag may bata ng involved,tayong mga babae lagi ang nadedehado. May mga lalake talagang insensitive,walang compassion,walang respeto at iresponsable dahil hindi nga naman nila alam kung anong pinagdadaanan ng mga babae. Nakakalungkot super. Anyway mommy,minsan hindi masamang bumitaw sa toxic na relasyon. Love yourself bago ka magmahal ng iba. Let go kung nahihirapan ka na. Mas mapapalaki mo ng maayos ang anak mo kapag wala ka ng stress dahil sa toxic mong partner. Aanhin mo ang buong pamilya kung nagdudusa ka naman. Babae ka. Marami kang kayang gawin mag isa. Tiwala lang! 화이팅 mamsh💪🏼

Nakakagigil yung ganitong lalaki. Pucha, di man lang naisip yung kalagayan ng buntis. Taena. Matapos magpasarap sa kama todo request pa na ipuputok sa loob tapos pag may nabuo gusto buhay binata pa rin. Aba saan kaya supplier ng aspalto ng ganyang mga lalaki? Napakapal ng pagmumukha. Gerl, kung kaya mong iwanan. Iwanan mo na. Mali- iwanan mo na talaga. Ngayon pa lang na buntis ka, ganyan na yan pa'no pa pag nakapanganak ka. Kawawa kayo ng anak mo. Kung may pamilya ka, dun ka na lang muna sa parents mo. Mas safe ka dun, iwas stress. Puñeta yang nakabuntis sa 'yo. Mabaog sana yang kupal na yan.

mommy, bt need mo saktan sarili mo like magiisip ka tlg ng suicide dhl sa gnon ugali nya? Mostly mga lalaki immature kht na may anak na, tau lng mga girls ang naggng mature kgad once na preggy na tau. ksi instict na natin kgd na protektahn babies ntn since sa atin sila galing... and un mga friend na nkksma lalo opposite sex mhrap paniwalaan friend lng kya as much as possible dpt putulin mna... ok lng kng lalaking friend... talk to him in a calm way na sna ipa feel nya sau important kau ng baby mo sbhn mo lht ng nrramdamn mo ng ok un mood nya... and after mo kausapn sya at deadma cgro magisip kna maigi mommy...

Wala na po kami mommy :( kinausap ko na sya non about sa mga nararamdaman ko pero parang wala lang sa kanya. Nasabihan pa ako oa, kaya na di po ako umasa na magiging okay kami. Ngayon po kumuha na po ako ticket pauwi sa province namin at dun nalang kami ni baby.

Naku sis ganyan yung daddy ng first baby ko, mas inuuna tropa, ending madalas din kami mag away imagine kakapanganak ko lang tpos nung gabi naglasing. Mag isa ako nag alaga ng baby kahit magbabawi plang sana ako ng lakas. Kaya naisip ko nun iwan nlng kesa ganun wla na din kasi papatunguhan eh. Iba kasi yung taong alam yung priorities nya. Obvious naman sa partner mo na hindi nya din kayang iwan mga tropa nya over family.. Mag isip ka na sis hanggat maliit pa baby nyo, ngaun plang wla na sya concern sayo at sa bata , mahirap kapag nasundan pa yan

Actually this story 11years ago na. And preggy 8mos na ako sa new hubby ko.. Sobrng thankful ako na natauhan ako kasi kung nagstay ako nun dati wla siguro Ako mapapala

sis,pasensya na ha? pero tingin ko,kaya naging ganyan si partner mo,kasi nasanay sya na ginaganyan ka niya,pero wala lang. na tolerate mo yung pagiging ganito nya na may gagawin sya na nakakasama ng loob mo at di magsosorry. kung hindi okay,sabihin mo sa kanya. wag mo tiisin ang hindi okay sayo. kasi sa huli,mahihirapan ka. kausapin mo sya at iopen mo lahat ng sama ng loob mo. hopefully makinig sya at mapagusapan nyo ng maayos. ng mapaliwanag nya sarili nya sayo. at maayos nyo ano mang problema nyo.

Iwanan mo nalang po mommy. Kesa nMan magmukha kang kawawa sa kanya. Based on your story, parang wlang pagmamahal sayo ang partner mo. Maging matatag at malaks ka nalang po para kay baby. Total andyan naman na kayo sa tita mo, huwag ka na pong bumalik. Kahit sinong babae hindi deserve na itrato ng ganyan. You deserved someone better. Kaya mo mommy. Huminge ka ng tulong sa Taas, hindi ka niya papabayaan. Godbless po mommy and to your baby.

Hiwalayan mo na yan sis. Gumawa pa talaga ng dummy account. Kahit wala siyang kalandian dun, meron padin siyang tinago sayo eh. Di din natin alam baka meron pa siyang ibang dummy acc na dun sya nag lalandi. Been there mamsh! Sa first time na nahuli ko may dummy, may pa sorry2 pa at d na daw gagawin. Hanggang na huli ko sa second time 😌 yun nag hiwalay talaga kami ng ilang buwan. Wag na yan sis

Wla na cguro maasahan na care, attention at love kay Lip mo mommy. Since hnd naman kayo kasal and paulit ulit nya na pla gngwa yan better siguro if hiwalayan mo na po. Focus ka po sa good things in life, like your baby. Kaylangan ka nya mommy. Pray for strength and wisdom po pra makayanan mo mga nangyayari. Hnd ka nagiisa mommy. "Never will I leave you; never will I forsake you...

Mommy hiwalayan mo yang lip mo. Nakapa immature. Dont be afraid to be a single mother, madaming tutulong saiyo specially yung family mo. Hindi ka pababayaan. Kesa yang ganyan, baka maglead pa yan sayo sa postpartum depression, mas nakakatakot. Sa story mo, parang nanlolomos kayo ni baby ng love and affection sakanya, which is dapat kusa nya yong ibinibigay kase sya yung father ng bata.

Kaya mo yan! Kung kaya mong iwasan ang ganyan lalaki. Please iwasan at iwan mo. Save yourself! Hindi healthy ang relasyon kung may suicidal effect sayo. Mag move ka na sa ganyan buhay. Wag mong sisihin sarili mo. Walang mali sayo. Ang mali yun taong pinili mo. Kaya habang may chance ka pa, wag mo na tiisin. Kaya mo yan mommy! Kailangan mo lang lakasan ang loob mo.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan