Giniginaw na buntis
Hello po gandang hapon itatanong ko sana kung normal lang ba na minsan parang giniginaw tayong mga buntis? Wala naman po akong sakit giniginaw lang talaga ko ngayon. Nasa 10weeks palang po akong buntis sana po may makasagot
Hindi ko pa naranasan ang pagbubuntis, ginawin na ako hindi sanay sa sobrang lamig minsan ayoko ko ng electric fan lalo na madaling araw. Last January napansin ko halos sunod-sunod ang panginginig dahil nagigising ako nakatutok sa paanan ang hangin ng electric fan until February nalaman ko na 8 weeks preggy po ako. Upang maibsan ang lamig sa ngayon kung maaari gusto ko nakaoff ang electric fan sa madaling- araw o hindi nakatutok sa paa, kung halimbawa ito man ang dahilan o anuman sa aking katawan ang may sanhi.
Đọc thêmPanong ginaw ba momsh? Kasi nung 1 st trimester ko, ginawin na talaga ako ever since, pero parang doble naman ginaw ko nung mga first 12 weeks yung to the point na nagchichills ako. Yung nasa gitna ako ng tulog ko tapos magigising ako sobrang giniginaw and manginginig, ganun. Inask ko sa OB ko sabi niya indication daw yun ng infection, and may UTI daw ako. So ask niyo po ang OB niyo agad momsh.
Đọc thêmmay time na giniginaw din ako noon kahit nakabalot na katawan. Possible reason ay low blood ka. Bawal magpuyat para di bumaba ang dugo, at magtake ng ferrous sulfate. Kaylangan ng dugo ni baby habang lumalaki sya so importante na dika maglow blood. pacheck kanalang sa ob mo
pareho po tayo. ganyan din po nararamdaman ko. minsan sobrang giniginaw minsan naman sobrang init na init sa katawan. pero nung nagpa laboratory po ako may kunting bacteria po sa ihi. meaning may uti po ako..
ako po naranasan ko yan bago ko nalaman na buntis ako , tipong nag chill ako sa lamig nun lalo sa madaling araw ginaw na ginaw ako yun pala preggy nako nun . pero ngayon nabawasan na pagka ginawin ko
ginawin din ako nung first trimester ko mhie nakajacket ako kahit di naman gaanong malamig pero ngayon middle 2nd trimester ko baliktad na😅init na init na ako kaya mahilig na sa malamig
Ganyan din po ako giniginaw ako kahit mainit naman tapos gusto ko pa magkumot 😂 pero wala naman akong sakit o mali sa akin sa awa ng Panginoon 🙏🏻
na experience ko yan nung nsa 7-8weeks ako.every gabi yun bigla lang ako giniginaw as in chills.Ngayon 13 weeks na so far di na uli naulit.
Nung nasa 1st tri mo ako lamigin po ako kahit ang init giniginaw ako. Nung nasa 2nd na ako sobrang init naman kahit malamig 😅
ako po ginawin 5weeks palang po ako. lalo na pag galing ako sa cr tapos babalik na ko sa higaan nanginginig na ko.
Hoping for a child