13 Các câu trả lời

FTM din here. Parang masakit ang puson same sa regla mii pero hanggang likod sya, buong pelvic area. Nung una nasakit lang sya pero tolerable pa naman pero nung triny ko matulog pero kahit anong side ee masakit pa din aba'y sabi ko iba na yata 'to. Ayun nagdecide na ako magpasama sa Lying In nun taz we found out na 5cm na pala ako. Haha. At first kaya pa ung sakit minsan 1hr interval ung contraction hanggang sa magiging 30mins na lang taz 20, 10, 5 taz 3mins jusko Lord napadasal na ako sa lahat ng santo. Feeling ko nun taeng tae na ako taz ang sakit ng pelvic area. Pero nakaya naman nairaos din normal delivery. 1yr and 1 month na si baby ko now. 😊

Ang contraction ay tumatagal ng 1 minute at active labor ay oras, severe pain yun kaya habang nakakaramdam ka na (mild contraction and pain) at hindi pa ganun kasakit, kain ka na for preparation kasi kapag active labor ka na every 30 seconds nlang pahinga mo then sunod sunod na ang sakit, magbreathing exercise ka para hindi mahirapan kapag nagcocontract na ng sobra.

VIP Member

humihilab pababa down the pelvic are na parang may masakit na hinde may time na oo na hindi ganon. hirap iexplain kasi iba iba pain tolerance ng tao e. the longer contraction 1-3cm palang pero mararamdam na, 3 above medyo paikli na ng paikli contractions and magkadikit na yung interval meaning malapit na manganak.

VIP Member

contraction mi yung paninigas at pananakit ng tiyan since full term ka na, monitor mo yung intervals per contraction inote mo kapag di ka na makomportable sa kahit anong posistion labour na yan mi, sign na yan na lalabas na si baby

pag false labor po mahaba po interval ng pagsakit/paghilab pag active labor po 1-3mins po ung interval ng pahilab. kaya need po mamonitor ung minutes ng interval once po nakaramdam na ng pagahilab

Parang kapag may menstruation at masakit ang puson, pero patindi nang patindi ang sakit at padalas nang padalas habang papalapit na.

VIP Member

nung preterm labor ko, naninigas ang tiyan may interval na 2-3 mins akala ko normal pero contraction na pala Then minsan sa balakang masakit.

naninigas ang buong tiyan na masakit. then magrerelax. labor sign kapag palapit ng palapit ang interval and pasakit ng pasakit.

contraction po na pati sa likod masakit yung dikana po makatayo sa sakit, parang namumulikat po yung tiyan na sobrang tigas po

Isipin mo sis, parang dysmenorrhea na habang tumatagal eh patindi nang patindi & paikli ng paikli yung interval

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan