Breastfeed

Hello po. First time mommy po ako. 2months na si baby and till now di pa rin sya nakakadede sa akin dahil wala pa rin po akong gatas. Nagtry po ako mag manual pump, sabi kasi baka nahihirapan si baby magsuck dahil may bara kaso di man lang umaabot sa 10ml yung napupump within 30mins. Tapos sabi din ng mga matatanda mag sinabawan na ulam ako na may malunggay para dumami yung gatas. Nag try din po ako ng malunggay tablets para dumami yung gatas pero no effect din. Gusto ko talaga i-breastfeed si baby, kasi need nya yung nutrients galing sa akin lalo na ngayong may virus at uso ang sakit. And bawas gastos din kasi medyo mahal yung formula na fit para sa kanya. Thank you in advance ???

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Unli latch lang po talaga ang nagpapadami ng milk. Yung supplements and mga masabaw nakakatulong din. Ako nga naglalaga pa ko ng malunggay then yung tubig nun yun ang ginagawa kong tubig inumin. So far ok naman milk ko. 4 months old na si baby ko.. Tyaga lang mommy. Iba kasi ang suck ni baby kaysa sa pump.

Đọc thêm