Hello po, first time mom po ako. Kaka-3 months po ng baby ko noon 26. Nag-aalala po kasi ako dahil ang hirap nya po padedehin tuwing umaga hanggang hapon. Kung dedede naman po sya pakonti konti lang. Normal po ba yun? Mas madalas din po sya magsubo ng daliri. Hirap din po patulugin dahil kada ilang minuto lang po ay nagigising na siguro nga po dahil hindi sya busog. Napansin ko din po na medyo pumayat sya dahil hindi sya nadede masyado. 🥺
Pero tuwing bedtime po, nakakadede naman po sya. Nagigising sya every 2-3 hrs hanggang umaga.
Sana po may makasagot sa concern ko. Thank you po
#pleasehelp #1stimemom #firstbaby #theasianparentph