20 Các câu trả lời
mommy pacheck up kana... nangyari sa akin yan sa first baby ko... simula nung 25weeks hnd na gumagalaw si baby kala ko nun normal lang yun kc may pitik pitik pa naman akong nararamdaman tsaka pag tinatanong ko yung mga tsismosa kong kapit bahay kung normal ba na hnd gumalaw si baby ay normal lang naman daw kc natutulog din naman daw sila kaya kampanti pa ako nun. hanggang sa pinaabot ko ng 1week bago ako nagoa check up yun pala wala nang HB yung baby ko😭... kaya ngaung buntis ako ulit bumili na ako ng fetal doppler para maririnig ko HB nya pag nag aalala ako...
ganyan din ako nung 25 weeks yung tyan ko sobra na akong na sstress kasi natatandaan ko kasi kung anong oras gumagalaw c baby sa tyan ko kaya nung d sya nagalaw d ako mapakali 2nd pregnancy ko na to at yung una nawalan ng heartbeat c baby kaya sobra akong nag aalala pag d sya na galaw . kaya kahit bawal mimsan kumakain ako ng matamis at malamig lalo na chocolate mimsan nag kakape pa ako . effective nmn dahil pag nakakain ako nun nagiging active c baby ngayon 30weeks na kmi ni baby ko konti nlng makakaraos na kami😊
mi same tayo 25weeks na , nuong 16-23weeks sya ok pa naman yun sobrang likot talaga tapos after ko magpa check up july 4 kaumagahan minsan nalang naglilikot c bb sobrang worried ko na talaga pag d cya nag lilikot nuon pag kinikiliti ko tyan ko mag rerespond naman cya ngayun kahit anong gwin ko ayaw talaga tas nakita sa ultrasound ko maliit nalang amniotic fluid ko tas c baby hindi tumobo daw yung size at timbang nya pang 21weeks lang 😭😭
Usually pag napapadalas tumitigas yung tyan may di maganda nangyayari sabi rin ni OB ko kaya nung panay tigas tyan ko pinadagdag inom ng pampakapit kasi nung nagpa ultrasound ako nung 18 weeks placental abruption nakita ngayon 21 weeks na ako thank god ok na si baby normal na yung Ultrasound ko
Mommy Kung malikot po si baby nyo at napansin nyo Hindi na sya nagalaw pacheckup po kayo agad...ung iba po Kasi ng buntis like me Anterior placenta normal po na Hindi mararamdaman ung galaw. Pero now na 32 weeks na ako ramdam na ramdam ko galaw ni baby .. try nyo po uminom ng malamig or matamis na foods and drinks. Pag wala pa din po ... pacheckup po kayo agad para maagapan .at para po mabawasan Pag aalala nyo..
hi po, even magpasound ka po ba sa tummy mo or magtapat ng flashlight, di sya gumagalaw? kahit uminom ng malamig, kumain ng matamis or i mild poke mo yung tummy mo, wala talaga? kase if wala talaga, di po dpat pinatatagal yan. dpat po pacheck nyo from time to time. or pra iwas paranoid, pwede ka po bumili fetal doppler pra mamonitor mo kung may hb pa rin sya.
Praying for both of you po. Sana po ay okay lang talaga siya mami. Think positive lang
around 25 weeks din ako nun na noticed ko na less un pag galaw nya pero anterior placenta ako at gingawa ko is kinakausap ko tlga si baby at nagpapa tugtog ako ng cocomelon which is un ang fave nya feeling ko hehe. Ilan days lang nag likot na ulit sya. Pero if may doubt tlga kayo, make sure go to doctor na for your peace of mind lang.
ganyan din po ako non til now actually. kaya nag invest Ako Ng fetal Doppler para ma check ko agad HB Ng baby ko pag praning ako. minsan naiinip Ako mag antay Ng galaw nya agad agad mag ccheck Nako Nyan habang ni ccheck ko bigla nya ko sisipain 😂 na para bang gusto nya sabihin sakin na Atat ka mama? 😂
It's not normal. Ganyan din ako sa first baby ko. Diko na nafeel pag galaw nya on my 20 weeks. Sabi nila normal lang pero alam ko sa sarili ko na hindi. Pinalipas ko pa 3days pag punta ko sa OB wala na pala syang heartbeat patay na sya sa tyan ko ng 4 days.
Momshii kaw nakakaalam ng galawan ni baby mo.. Kung napansin mo may kakaiba.. At alam mo may mali.. Wag ka mag dalawang isip na magpacheck up agad.. Para malaman mo status ni baby mo sa loob ng tyan.. At magdasal ka palagi🙏
itry mo kumain ng chocolate or uminom ng malamig na tubig or magpatugtog ka ng music sa tiyan mo or manuod ka sa youtube kung paano pagalawin si baby pero pag wala parin pacheck up kana mommy...
Norlainie Batua-Monawara