41 weeks pregnant

Hello po first time ko po manganak and medjo worried na po ako kasi 41 weeks na ako tomorrow. Umiinom naman po ako ng prim rose, pineapple and nag lalakad naman po. This morning pag gising ko medjo masakit na yung tyan ko na parang natatae pero pag ganun kasi iniisip ko baka gutom lang ako or kailangan lang talaga mag cr pero wala naman lumabas. After nun natulog ako aroung 11am pag gising ko ganun parin po yung sakit pero kaya naman siguro 5 out of 10 ang pain. Nag lunch lang ako tapos inantok na naman po ako. Around 2pm nandun parin po yung sakit nag try ako mag cr pero wala parin. Nag lakad2x po ako almost 1 hour pag uwi po 3 out of 10 po yung sakit. After nun po di ko na mashado inisip at baka wala lang pero 41 weeks na kasi ako at gusto ko iwasan ang ma CS or ma induce. Any advise po? First time ko po kasi talaga at ang kasama ko lang po dito is father ko at younger sister which is wala din silang idea. If mag tatanong din ako sa mga kakilala ko ang sasabihin iba iba din kasi ang experience. Sana matulungan po ako.

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Labor will happen naturally mommy. Anong latest ultrasound scan mo? Ano po ang BPS score? As long as okay ang BPS at may enough amniotic fluid ka, you can wait until 42 weeks. 38 weeks to 42 weeks po ang waiting time talaga na mag labor. Some hindi umaabot sa 42 weeks because of low BPS score or pumutok na ang panubigan but as long as okay, you can wait. Ako po, with my 3 pregnancies, exactly 42 weeks ung panganay ko lumabas, and 41 weeks naman po ung dalawa kong sunod pa na anak. Lapit na yan. Lakad lakad pa. 😊

Đọc thêm

kapag nakaposisyon na po si baby pwede na po kayo magpa indus wag nyo na patagalin kasi yung tita ko kakapanganak lang ng march 10. 41 week na po sya expected date tlaga is 3rdweek pa ng march kaso nagpa uts sya naka ayos na baby nya kaya pinayuhan siya magpa indus na lang or ecs tapos nung na cs sya nkapulupot na po yung cord ni baby sa leeg nya buti na cs sya agad

Đọc thêm

good morning sa lahat... may tanong po ako.. normal lang ba sa buntis ung may spotting.. till now hindi nawawala ung spotting ko.. nag pa ultra sound ako niresetahan lang ako ng pang pakapit.. pero ubos na gamot ko pero may spotting parin ako.. 9 weeks na ko buntis..

3y trước

salamat

Mommy kamusta ka na? Punta na po kayo ng OB agad kasi yung OB ko di nya ako pinaabot ng 41 weeks sa first baby ko. Induced na nya ako at 40 weeks kaysa daw magkaron ng problem pag umabot 41 weeks.

tell your OB na po mas mahirap kapag nakain na ni baby mo yung poop nya. ingat lang momshie. wala naman masama kung ma induce or ma cs ka ang mahalaga lumabas na healthy si baby.

3y trước

Hindi po kain, na singhot ni baby ang poop

ay be,,punta kana pinakamalapit na ospital or lying in.. naglalabor kana nyan.. intayin mupa lumabas kusa baby mo?

Thành viên VIP

Need mo po iconsult sa Ob mo. Nakakatakot po kasi maoverdue baka makain na ni baby ung poop nya sa loob.

3y trước

Mahinga ni baby ang poop at hindi nakain po

Parang labor na yan. Punta na dapat kayo ospital para matignan na kayo agad.

Thành viên VIP

ilang cm ka na ba? nagpa-IE ka na ba para malaman kung open cervix ka na?

manganganak kana momshie.. good luck..