hihiwalayan ko na ba siya o titiisin ko pa ang bisyo niya? ?

Hi po fellow momshies. Share ko lang po sa inyo ang experience ko with my live-in partner. Sa totoo lang momshies kakatapos ko lang umiyak..hindi ko na alam gagawin ko sa partner ko..kung hihiwalayan ko ba siya o titiisin ko pa ang bisyo niya? ? simula nung nabuntis ako, first trimester..grabe ang paglilihi ko..sukang suka ako at bumabaliktad sikmura ko sa amoy ng alak. Kaso kahit anong pakiusap ko sa partner ko :( lagi pa rin siya nag-iinom ng alak..may mga panahon pa nga na lasing na lasing siya at inaaway niya ako, minumura at sinisigawan..sobra ang sakit na naramdaman ko emotionally and mentally..tapos hihiga pa siya sa kama na amoy alak. Grabe ang iyak ko kasi hindi niya naiisip na di ako makatulog sa ganung amoy at nagsusuka ako sa banyo habang siya mahimbing tulog niya sa kama..kinausap ko na siya tungkol doon at humingi siya ng tawad. Nangako pa siya na unti unti na niyang iiwan ang pag-inom at susubukan daw niyang magbago..kaso sa mga nakaraang ilang buwan..umaasa ako na magbabago siya..6 months pregnant na ako..kaso sige pa rin ang inom niya..nagsisinungaling siya saken at naglilihim na umiinom siya..kahit na umiiyak ako sa telepono walang nakakapigil sa pag-inom niya. :( kunsintidor din kasi mga kapatid niya. Tapos sa tuwing uuwi naman siya ng bahay, humihingi siya ng sorry, naliligo, at nagsisipilyo..kaso di ko maintindihan momshies, ang talas talaga ng pang-amoy ko ngayong buntis ako. ? hindi talaga ako makatulog at naaamoy ko pa rin alak sa kanya. Ngayong gabi umiyak ako kasi nagsinungaling siya at di nagsabi ng totoo..nasasaktan ako sa tuwing umiinom siya kasi para bang natitiis niyang maghirap kami ni baby sa sinapupunan ko bastat makainom siya ng alak..lagi nalang ako umiiyak momshies kasi iniwan ko lahat ng marangyang buhay para sa pag-ibig ko sa kanya..pero yung pag-iwas sa alak di niya magawa para samin ng anak niya ??? ano kaya dapat kong gawin? :( magtiis pa ba ako o maghiwalay na muna kami? Help fellow momshies. Naaawa na rin kasi ako sa baby ko kasi lagi nalang ako umiiyak..thank you po sa mga magrereply.

1 Các câu trả lời

Hi mommy, as much as possible po iwas ka po sa stress. Pwede ka po muna mag stay sa bahay ng family mo if okay lang sa kanila. Kasi nakakasama po sa development ni baby yung stress at sayo po mismo. Mukha po kasing hindi kaya i-sacrifice ng partner mo yung bisyo niya para sa comfort mo. :( God bless

Thank you fellow mommy.. hay. Kinausap ko ulit partner ko. Sabi niya subukan daw niya kahit 2-3 times a month nalang. Siguro last chance na niya tapos uwi nalang ako sa amin kung di niya tuparin.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan