checkup & vitamins
Hello po. May concern lang po ako and need help. Supposed to be, may checkup po ako ng april 3. Kaso hindi ko alam kung makakalabas ako dahil sa community quarantine. Then ung vitamins namen ni baby (OBIMIN) mauubos na sa april 3 din. Hindi ko po matawagan ung OB ko, hindi daw sya pumapasok sa ospital pa. Then wala iniwan na mobile number nya. Questions po: 1. Need ko po ba ipush makapag pacheckup sa april 03? 2. Pano po ung vitamins? Bibili po ba kami ng another set of obimin then tutuloy lang namen? Hindi ko po kasi alam kung may need akong inumin na new vitamins eh