39 Các câu trả lời

Hi, Mommy. Una sa lahat, gusto kong sabihin na valid ang nararamdaman mo. Hindi ka nag-iisa sa ganitong emosyon. Marami sa atin ang dumaan sa ganitong phase, lalo na kapag may strong expectations o pinangarap talaga natin na isang particular na gender ang baby. Ang mahalaga ay aware ka na hindi mo gustong maramdaman ito at nagsusumikap kang lampasan ito. Ibig sabihin, mahal na mahal mo ang anak mo hindi dahil sa gender niya, kundi dahil anak mo siya. Ang gender ay hindi sukatan ng blessings. Hindi ito kapalit ng kabutihan mo bilang tao o nanay. Ang anak mo ay hindi "latak," kundi isang buong biyaya na may sarili niyang purpose sa buhay niyo. Hindi ka nagkulang. Hindi mo kasalanan ang kung anong gender ng baby. At lalong hindi ito kabawasan ng pagmamahal mo kay hubby o ng pagmamahal ni Lord sa 'yo. Iba-iba tayo ng journey. ‘Yung mga nakikita mong "mas blessed," baka may ibang pinagdadaanan din sila. Wag mo i-kumpara ang chapter mo sa chapter ng iba. May panahon para maghilom. Hindi mo kailangang pilitin agad ang sarili mo na maging ok. Pero habang dumadaan ka sa prosesong ito, alalahanin mo lahat ng nararamdaman mo ngayon ay maaaring magbago habang lumalaki ang anak mo, at mas makikilala mo siya hindi dahil sa gender niya, kundi dahil sa kung sino siya bilang tao. Kung kailangan mo ng kausap, humingi ka ng support. Minsan nakakatulong lang talaga na may makikinig, kagaya ng ginagawa mo ngayon.

I feel you Mi, na disappointed ka ksi ako mismo 6months preggy ngayon ng gender reveal kmi is boy, yun ksi pangarap ni hubby, ako girl tlga ksi mostly mga kapatid ko lalaki, at alam ko na di sila sensitive kaya feeling ko pgtanda ko iiwan din ako pg lalaki anak ko at bka walang pkialam skin kaya ayaw ko sana lalaki, based sa nkikita ko sa mga kapatid ko. ok lang ma disappoint pero hindi ok na mg tampo ka kay lord kasi sya mas nkk alam kung bakit boy binigay nya sayo, at kawawa si baby na mfeel nya unwanted sya kasi boy sya. nung nalaman ko na boy yung anak ko, nging happy nlng ako., ngshift yung mind ko na mging happy ako ksi kht anong gender payan buhay yan na pingkaloob ni lord sa atin. Paano kung girl nga binigay sayo Mi pero paglaki bka hindi gnun ka mapagmahal sayo, kaya di ntin msasabi tlga. may reason bkit Boy sya at hindi ka binigyan ng girl. iniisip ko nlng din na baka kung girl din anak ko, lalo mapahamak pg wala ako. pra kaht boy maipagktiwala ko sa iba.. kung baga isipin mo nlng yung brighter side.

thankyouuu po. lagi ko po babasahin ung mga advice nyo po. it really helps po. hirap dn po kasi ako n inopen up to sa iba pti po sa asawa ko. gusto ko lng po tlaga n mgng honest dn sa kng ano po nrramdaman ko

Girl talaga ini.expect namin. at girl din ang hula ng mga kakilala at kaibigan. May tawag na nga kami sa bump ko na pambabae. excited na masyado c hubby na i.spoil ang baby girl nya. until just this ultrasound that's revealed na boy pala. hehe. actually, first pregnancy ko. at dalawang taon din kami sumubok. kaya nga ipinagpapasalamat ko talaga sa panginoon ang biyaya na kanyang ibinigay. extravagant nang matatawag kung hihiling pa kami ng gender. but somewhere in my heart, pangarap ko bigyan ng boy ang asawa ko. legacy kc yun lalo na sa generation nila na tatlo lng cla ang may bitbit ng apelyido nila. kaya mhie, iba man ang iyong hiniling sa ibinigay ng Diyos lagi po natin na ipagpapasalamat ang Kanyang wisdom. kc sa totoo lng madami rin couples nanalangin na mabibiyaan din cla kahit isang pregnancy po. regardless of gender o ano man ito sa paglaki

opo hiling ko kay Lord tanggalin nya po ung ganitong feeling ko tulungan nya ko. 🥹

Hello mii. Nung una, nagkaron din po kami ng gender disappointment. Naglook forward po kasi tlga kami mag-asawa na girl po ang magiging panganay namin. Kaso boy po sya. 😅 Nagkacrisis po ako nung una as a ftm kasi wala po ako idea pano magpalaki ng boy. Lahat po kasi kmi magkakapatid is girl and bilang panganay, naging 3rd parent din po tlga ako. But alam ko po may purpose lahat ng bagay. Whether girl or boy po ang binigay ng Panginoon sa atin, may dahilan po yan. Wag nyo din po sana sisihin sarili nyo kasi ung nagdedetermine po tlga ng gender ng baby is ung tatay. Sa atin po, X chromosomes lng meron tayo. But sa mga lalaki, meron po sila Y chromosome. XX po kasi pag girl XY pag boy, kaya nasa lalaki/husband nyo po ung pang determine ng gender. Di po kayo. Keep holding on po mii, blessings will come. 😊

VIP Member

hi mi, what you are feeling right now is 100% valid. *hugs for you normal sa atin ang mag asam ng lalake at babaeng anak. karamihan pangarap yan, mismo ako pangarap ko yan. pang ilang anak mo na yan mi? baka plan ni Lord sayo isa pa after ng pinagbubuntis mo. hehe or tinetest lang Nya yung faith mo sakanya. wag kang malungkot mi kase kahit all boys anak mo you're sooo lucky pa din dahil biniyayaan ka ng anak yung iba kase kahit isa wala. soon marerealize mo why all boys ang binigay ni Lord sayo. ayaw mo nun you are the only Queen in the family. 😊 as a mom of two boys and a girl, masasabi kong boys are the sweetest, sakanila mo talaga mararamdaman yung real and genuine love na kahit sa asawa mo di mo makikita at makukuha. kaya ako super thankful and happy ako sa 2 boys ko. ❤️❤️❤️

thankyouuuu po! sobrng naappreciate ko po ung advice nyo now. pinagppray ko nmn po kay Lord na alisin nya tong ganitong feeling kasi alam ko po na mali to. at unfair din kay baby.

I feel you mi 🖤 akin nga po pang 3 boys Kona to Siya eh . akala ko nga baby girl na pero Nung nagpaultz ako Nung 20 weeks nya . baby boy daw po si baby. Happy Naman ako na medyo nanghihinayang lang Kasi sabi ko last pregnancy Kona to . ayaw Kona Kasi talaga magbuntis at mahirap nga po . Lalo na pag need ko magstop Ng work . Question ko rin Kay papa god ? bakit Hindi Siya baby girl. pero siguro Kasi may plan ako umalis next year Ng bansa . kaya siguro baby boy binigay nya Sakin ulit . Ayos na ako mi kahit walang girl . feeling ko Kasi pagddaanan nya lang kung anung mga pinagdaanan ko sa Buhay. MASAYA pa din ako kahit Wala akong baby girl . Basta healthy lang LAHAT Ng baby ko Lalo na tong ipapanganak ko pa this July 🖤 may reason mima bakit Wala tayong girl 🖤

salamat po sainyo, naiiyak pa rin tlaga ko reading all your advice and comments. it helps alot po na gumaan ang pkrmdm ko now. acceptance nlng po siguro tlaga along the way. alam ko po paonti onti ay mttanggap ko rin po na plans po tlaga ni Lord are much better than us. 🥹

porket boy ang baby mo masama na loob mo, blessings ang baby kayo gumawa nyan at bumuo, at naka depende yan sa hormones ng X and Y chromosomes na galing sa inyo at magmatch, hindi mo kailangan ma inggit at mag isip ng masama. pasalamat ka nalang sa Diyos na biniyayaan ka ng anak. Kung gusto mo ng girl eh di mag anak kapa baka sakali magkaroon ka ng girl. kawawa nman baby mo yung naramdaman mo ramdam din yan ng baby mo na ayaw mo sa kanya, iparamdam mo sa baby mo na mahal mo sya at may care ka, maging masaya ka para yun ang mafefeel ng baby mo, wag mong pairalin ang sama ng loob baka ma stress ka pati baby mo at may mangyari pa sa baby mo, mamaya magtampo ang blessings sayo at babawiin yan ng Diyos kapag hindi mo yan pahahalagahan.

ganyan din ako mii.. kasi yunG dalawang unang anak ko.. is boy. tas nag buntis ako ulit sa pangatlo.. tlagang pray ko kay lord sana pag kalooban ako ng anak na babae . at yun din ang gusto ng hubby ko . pati din yunG mga taong nakapaligid sakin. na palagi ko naririnig na sana daw babae na . pero yung nag paultrasound ako . boy ulit yung baby ko . may konting disappointed. kasi tlagang gustong gusto ko mag karon ng anak na babae . pero nung lumabas yung baby ko.. at nakikita kong sobrang kasiyahan din yung nabibigay nya samin.. pinag pasalamat ko pa din sa panginoon lahat . at naisip ko.. na kaya puro lalaki binigay sakin mga anak . dahil sakanila ko mararanasan yung tunay na pag mamahal .♥️ hugss to you mami..☺️☺️

same here mii,halos lahat inaasam na girl na sana dis time 19weeks 4 days pregnant me,mahirap talaga pag may inaasahan silang gender pero in the end ang role lang naman nila hulaan kung girl or boy ang nasa tiyan mo kasi si Lord lang ang nakakaalam kung ano talaga ang para sayo,3boys meron nako want din ng mga kuya girl na at ng father nila mismo side car driver at ibang marites dito sa amin🤣 pero siyempre kahit ako sana umasa na girl na kasi want ko last na to,pero in the end wala parin tayong say sa ibibigay sa atin,.be thankful nalang tayo and need tanggapin mapa girl or boy dahil bigay lang sa atin yan and we are blessed na may mga junakis tayo na pwedeng umalalay sa atin if need natin in tge future☺

Hello, Mi. Don’t worry hindi po galing sa’yo or kasalanan mo kung bakit hindi mo mabigyan ng girl si Hubby kasi sa mga lalaki nanggagaling kung ano magiging gender ng baby niyo. Kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Pagpray mo lang kay God ang mga nararamdaman mo. Humingi ka ng peace of mind at guidance para matanggap kung ano man ang will Niya para sa inyong pamilya. Laging nakakabuti sa atin ang gusto Niya at binibigay Niya. 🌸 Huwag mong isipin and ibang tao dahil hindi naman sila ang magpapalaki sa baby. Isipin mo ‘yung well being niyo ni baby. ‘Wag masyado pastress dahil nakakasama sa baby. I’ll pray for you too. 🙏🏻 Always think of happy thoughts. 🌹 God bless.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan