?
Hello po. Ask lang po ako anong effective na capsule na pwede itake para dumami yung milk? TIA.
Basta po 500mg. 2x a day Pampa boost po ng milk also is milo kc may malt sya then chia seed also oatmeal BREASTFEEDING MYTHS AND FACTS ♧ BAWAL UMINOM NG MALAMIG, MALIGO NG MALAMIG, MALIGO SA GABI, MAHAMUGAN, MAULANAN KAPAG NAGPAPASUSO. BAWAL DIN MAGPASUSO KAPAG BAGONG LIGO O KUNG KATATAPOS LANG MAGLABA ▪ Hindi masususo ni baby ang lamig kaya okay lang yan ♧ BAWAL MAGPASUSO KAPAG GUTOM O PAGOD ▪ Pwedeng magpasuso kahit gutom o pagod. Hindi nasususo ang gutom at pagod. Pero syempre kailangan maging malusog ni mommy para healthy siya. ♧ BAWAL KUMAIN NG MAANGHANG, MAASIM, MATAMIS, MAALAT ▪ Pwedeng kainin ang mga yan. Huwag lang sosobra dahil baka magkasakit ka. ♧ BAWAL KUMAIN NG MALANSA ▪ In general, pwede yan. Maliban nalang kung may history ng allergy sa pamilya o may kakaibang reaksyon kay baby. ♧ BAWAL UMINOM NG KAPE AT ALAK ▪ Pwede yan basta in moderation. Huwag magpapakalasing dahil baka hindi maalagaan si baby. ♧ BAWAL MAGPA-REBOND AT HAIR COLOR ▪ Pwedeng magpaganda mga mommy. Iwasan lang ang treatment na may formaldehyde na sangkap dahil masama ito para kay baby. Mag iwan ng gatas para kay baby at huwag na siyang isama sa salon. ♧ BAWAL MAGPASUSO KAPAG MAY SAKIT ANG MOMMY ▪ Mas magandang magpasuso kapag may sakit ka para makuha ni baby ang antibodies. In that way, maiiwasan na mahawa siya o kung mahawa man, mabilis siyang gagaling. Kung may sipon at ubo ka, maghugas ng kamay ng mas madalas, magsuot ng mask, at iwasan ang face to face interaction kay baby. ♧ BAWAL MAGPABUNOT NG NGIPIN ▪Pwedeng magpabunot ng ngipin. Compatible naman sa breastfeeding yung karamihan sa mga gamot. Para makasiguro, i-check sa e-lactancia.org ang generic name ng gamot. ♧ BAWAL MAGPASUSO KAPAG NANINIGARILYO ▪ Masama ang paninigarilyo nagpapasuso ka man o hindi. Hangga't maaari iwasang manigarilyo dahil delikado ito sa kalusugan mo, sa anak mo, at sa ibang tao. Pero kung papipiliin, mas mainam na magpasuso ang naninigarilyo kaysa mag offer ng formula. Nakakahina din ng milk supply ang paninigarilyo. ♧ ANG ISANG SUSO AY TUBIG, ANG KABILA AY KANIN ▪ Walang ganun dahil pareho lang ang nutritional content ng bawat suso. May tinatawag lang na FOREMILK (mas malabnaw na unang lumalabas kada sumuso si baby) at HINDMILK (mas malapot na lumalabas habang tumatagal sa pagsuso si baby). ♧ NAWAWALAN NG SUSTANSIYA ANG GATAS NG INA ▪ Kahit anong kainin, kahit anong inumin, kahit anong gawin, hindi mawawalan ng sustansiya ang gatas ng ina. ALAM NAMIN NA PAULIT ULIT NA KAMI SA PAGPOPOST AT PAGPAPA-ALALA NITO. PAULIT ULIT DIN PO KASI ANG TANONG 😂😂😂✌✌✌ ILALAGAY PO NAMIN ANG LINK NITO SA PINNED POST FOR FUTURE REFERENCES. LET'S MAKE READING A HABIT 😊🤗 Written by: Breastfeeding Nanay Blogger
Đọc thêmFenugreek or malunggay