adik sa games
Hello po! Ask ko lang sa mga misis jan. Ano po ginagawa niyo sa mister niyong adik sa online games? Grabe na kasi yung asawa ko pag uwi galing work laro agad. Kahit off day laro din pag lalabas kami mag dinner nag lalaro pa din. Sinabi ko sa kanya sumosobra na siya sa pag lalaro niya. Nagagalit siya lagi niya sinasabi na eto na nga lang daw time niya para mag laro kasi busy siya sa work.
Bute nlng c hubby hindi mahilig mag games,... But he trying to play a mobile legend, cnabi q don't try kc nakakaadik yan at nkakasira ng relationship hehehe then he said Di nga dw xa marunong,.
Same here. Husband ko adik sa laro pati pagbabasa ng mangga at panonood ng anime. Hayyyy naku.. Kaya nga ako naging palanuod na dn ng anime at naglalaro na dn ng ML pag maka bakante😂😂😂
Sinabayan ko nalang siya maglaro.😅 Kaya ayun, nagtigil kasi Cancer daw ako kasama sa game hahaha! Binibigyan ko naman siya ng time maglaro as long as lahat ng utos ko susundin niya.😊
Sinasabayan ko si hubby maggames , kaya kapag walang nagluluto kusa syang tumitigil para mag asikaso . Haha patibayan sa phone walang kakain kung walang magluluto 😂 .
Ako po wala po... Hinahayaan ko lang po... Kasi yun lang kasi libangan ng asawa ko kapag nasa pinas siya kaya hindi ko na masyado pinapansin kapag tutok sa laro...
Ako hinahayaan ko siya. Pero may limitations. Alam niya kasi na pag nabwisit ako. Wala akong pakealam kahit mahal phone niya. Naninira kasi ako ng phone.
Hindi kita masasagot jan sis..hindi mahilig ang asawa q sa mga ganyan...wala xang sinasayang na oras...bawat minuto gs2 nya ung maging productive xa...
Hinahayaan ko nalang mommy. 😅 basta nagagawa niya mga pinapagawa ko minsan at may time din siya sakin kahit papano at nabibigay mga needs.
Support mo na lang kesa mambabae 🤣 as long as nabibigay mga needs nyo. Ganyan din hubby ko e. Di mapigilan ayun pinabayaan ko na lang 🤣🤣
Hayaan nyo nalang momsh.. Mag tatalo at away lang kung pipigilan mo mag pasalamat nalang tayo na games lang sila naadik.. Kesa sa babae o alak