Light on and off spotting from 4th to 6th week

Hi po ask ko lang if may nakaranas na ng on and off light spotting for 3 weeks kahit umiinom na ng pampakapit pero okay parin si baby? Naka bedrest nadin po ako for 3 weeks pero may mga araw parin na nagkakaron po ako ng spotting na super konti lang naman. Thank you po sa makaka sagot.

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako po may brown spotting pa din ako 12weeks preggy. 1month na ko nagsspotting kaya niresetahan ako ng OB ko ng progesterone vaginal insert kahapon.Pampasikip daw po iyon ng cervix, pampakapit kumbaga. Bumubuka daw po kasi ang cervix ko, pwede daw pong dahil sa pagod, intercourse (which is hindi na po namin ginagawang magasawa), saka possibly kung may UTI daw ako and such. Ok naman si baby malakas ang heartbeat saka malikot na din sa tyan nung inultrasound ako. So yung health ko po ang may problema siguro, kaya sundin ko lang po mga advice ni OB at alagaan ang sarili. Pero sabi ng OB, hanggat hindi continuous yung paglabas ng spotting na parang regla na kulay red na mismo, wag daw mabahala pero kailangan pa din magingat.

Đọc thêm
2y trước

Thank you so much po pinapabilhan na din nga po ako ng pampakapit na pinapasok sa pwerta sana maging okay na po tayo. 💖💖💖

me po, halos 1 month na spotting pakonti konti niresetahan lang ng pampakapit and sabi ni ob basta daw hindi mag overflow na talagang magtagos na sa bed kasi diretso emergency na talaga. hays praying na sana mwala na 'tong spotting ko and maging normal na yung pregnancy ko

2y trước

praying for our safety 🙏🙏

Same mi. Actually until 16th week nag spot ako. Literal na weekly. and weekly din ako nag uultrasound. Super bedrest. Now currently 22weeks na ako with my baby boy. Dont stress urself po,pray lang. and sundin lahat ng advise ni OB.

2y trước

Thank you so much po medjo na bawasan po anxiety ko. 💖💖💖

on and off spotting pero 2nd trimester yung sakin (kahit may iniinom na gamot kakafrustrate ano gagawin para mawala) what i did, inom lang po ng maraming tubig at rest lang talaga importante ok si baby sa loob

2y trước

halos isang buwan din po sakin na on and off tuwing umaga meron at the end of the day wala. avoid contact with hubby din po, wag magbitbit ng mabibigat. hindi rin alam ng OB ko ano reason kasi normal nman si baby.

nung first pregnancy ko nagspotting ako..nung nagpa tvs utz ako may sch..kya hanggang sa ndi tumigil spotting ko kahit may iniinom ako na pampakapit nawala pa din baby ko nun..😭😭😭😭

2y trước

Hugggggggggs po mommy

Ako po. On and off from 5th week to 9 weeks. Very light. Nagpapacheck up and ultrasound ako agad once may spotting kasi kinakabahan ako. Okay naman si baby.

2y trước

Ano po kaya cause nung on and off spotting po naten?

Influencer của TAP

ako din ganyan din 6weeks kya ng paultrasound pu ako tvs pero normal nman lahat kya sabi ng ob ko bka stress lang ako matagal ko kc bago nasundan 9yrs

2y trước

Salamat po ng marami mamsh 💖💖💖

ako po ganyan nung first trimester, ok naman baby. Nakaopen kc cervix ko. Bawal po sex number 1 rule. More water din po

2y trước

Thank you po sa pag sagot 💖💖💖

Nakapag TVS na po kayo mommy? Ako po ganyan.

2y trước

Last week po close naman po cervix ko and walang sch. Next week po ulit sched ko ng tvs sana po okay lang si baby 🙏🙏🙏

me mamsh pero now oks na

2y trước

Salamat po ng marami 💖💖💖