6 weeks pregnant
Hello po anong weeks po dapat ako magpa ultrasound ung may heartbeat napo anong week poba, sabi ng mother inlaw ko dapat 3months nadaw po , para kita nadaw si baby at may heartbeat na , madami po kasi ako nakikita dito 6weeks po nagpapa ultrasound, and hndi pa nakikita si baby, balak kopo sana ung kita nadin tlga sya or may heartbeat nadin, salamat po! Para iwas stress ndin po hehe 😇❤️
Nakaramdaman kasi ako pananakit ng puson kaya 5w6d palang ako nagpacheck up na ako. Don na din sinabay yung unang ultrasound para macheck if walang pagdurugo sa loob and kung anong sukat ni baby. Luckily, nakita agad ang hb ng baby ko kahit maaga pa. Wala namang hemorrage sa loob. Pero may nireseta din saking mga pampakapit. Then pinabalik ako kapag 8 weeks na ako para makita if lalakas ang hb. Mas maigi padin po magpacheck up agad once malaman mo na preggy ka. Yung OB ko reco nya naman din na mag paultrasound ng 6-7 weeks para makita ang hb. Pero okay lang din naman kung 8 weeks para sure na sure na. Kaya lang, maaga ako nagpacheck up para na din tamang mga vitamins ang mainom ko.
Đọc thêmHi! Sakin 6weeks ako unang nagpa tvs pero 4weeks pa lang pumunta na ko sa ob ko para sa mga vitamins. Sa 6weeks di pa sya mukang baby, bilog at haba pa lang pero kita na yung heartbeat di pa lang masukat. So better 7-8weeks ka unang pa-check. Mas maganda na maaga ka magpatingin kasi hindi natin masabi kung ano lagay ni baby sa womb mo. Example na lang yung sa case ko, sa first tvs hindi pala maganda ang kapit ni baby tapos ang dalas ko pa bumyahe at mag akyat baba sa hagdan. Kung naghintay ako ng ‘3 months’ baka nakunan ako. So yun, naagapan may ininject at pinainom sakin na pampakapit at pinag-bedrest. Awa ni Lord 5months na ko preggy at healthy baby ko.
Đọc thêmYan din sabi ng mama ko sa akin. 3months nadaw kasi masyadong maaga. Pero para sa akin hah kung kailan mo nalaman na buntis ka better pa trans vaginal ultrasound ka agad para malaman mo if okay ba ang baby mo o hindi. Kung may heart beat ba o wala. Jan na stage kasi sa 1st trimester , jan ang pinaka maselan na part so dapat talaga naka monitor baby mo jan at para din malaman ng ob natin if okay ba pag bubuntis natin may bleeding or complications ba tayo. O wala at para mabigyan tayo ng mga vitamins at pangpa kapit para kay baby. Better pa tvs kapo mommy, para din yan sa baby mo hindi para sa ibang tao.
Đọc thêmpwde ka naman na mi mag oa ultrasound pra malaman mo din edd mo at mkita kung ayos lng c baby. ako kasi 6 weeks nag pa trans v nako. tapos ayun nakita may maumuong dugo ksya niresetahan ako pampakapit. at mkpag take ka dn ng vitamins mo. yung sister ko. cguro 2 months na siya nag pa checkup ayon wala HB yung baby nya. nagsisi siya bat late siya nkpag pa checkup . pra iwas paranoid din mi kaya maganda a checkup kna heheheh.
Đọc thêmHi mi ako naman sobrang advance ko nalaman na buntis ako kaya nun nag positive ako nag pm agad ako kay dok tapos nun check up ko May lining Lang na kita then nag serum PT since positive nagbigay agad ng gamot tapos pag balik ko 6weeks na siya May heart beat na kakaiyak kasi 2 beses na ako nakunan. This time good thing maaga ko nalaman. Better pa check up para mabigyan ka ng vitamins
Đọc thêmPunta kana sa OB momsh 5 weeks ako nun nung nalaman ko na buntis ako nagpatingin ako sa OB kaagad binigyan nyako mga vitamins para kay baby at nung 7 weeks na dun nyako pina transvi para macheck if ok si baby at heartbeat nya 🙂 Iba na kc panahon natin ngayon if compare mo nung panahon pa nila. it's better na paconsult na kaagad para macheck kayo ni baby ☺️
Đọc thêmnaku Mi, wag mo patagalin Ng 3 months, sabay kame Ng friend ko na preggy, 6 weeks na trans V na ko, sa takot ko na baka eptopic,may heartbeat Naman na baby ko at ok Ang lagay nya ,tapos sya sumunod sa nanay nya na noon daw Hindi agad nag papa check up, lumaki tyan nya , inabot na Ng 4 months , bago sya nag pa ultrasound, walang baby na makita, PCOS pala ...
Đọc thêm7 to 8 weeks mas better bat 3 mos pa? wag ka nakikinig sa mga matatanda daig pa nila obgyne at doctor eh saka need mo na mag prenatal vitamins hindi lang ultrasound ang ipapacheck mo dapat sa weeks mo na yan may tinetake kana vitamins and un pamparelax ng matres and if may bleeding or uti ka. again mag pa check up kana wag ka makinig sa byenan mo.
Đọc thêmtrue mi, iba kc ang panahon dati na hindi pa uso ang OB, kumadrona lang. Iba na environment natin now compare sa panahin ng mga lolo lola natin.
Ang sad talaga minsan pag matatanda nag aadvice. Tandaan mi, the earlier, the better. Kung may budget naman, magpa ultrasound agad wag na maghintay ng 3 months. Masyado na malaki ang 3 months ng di mo nalalaman kung ok ba nasa loob mo. Around 4wks nagpa utz na ko, 6 and 8th wk utz ulit. Para kay bb naman un
Đọc thêmThe earlier the better para alam mo status ni baby...may heartbeat ba or wala...san position niya,nasa uterus ba or sa fallopian tube...kng patatagalin mo tapos "God Forbid" nasa fallopian tube c baby might be to late for remedies.
Preggers