48 Các câu trả lời

Umalis na lang kayo ng family mo. Kumain na lang kayo sa labas kagaya ng plan mo, then invite both parties sa resto na bet nyo. Kausapin mo din husband mo na nirerespesto mo lang din gusto ng mama mo. Pero anak nyo yan kaya kayo dapat mag decide. And hindi purket asawa mo gagastos e cya ang ma susunod. You have the right to say na gusto mo kasi nanay ka ng anak mo at asawa ka nya. Explain mo din sa mommy mo na limitado lang din budget nyo kaya gusto nyo na lang kumain sa labas at para less hassle na din kasi kung sa bahay madami pang ligpitin.

Ipaliwanag mo po mommy dapat salitan.. Ako kc, samin kami ikinasal dapat binyag sa byenan ko naman.. kc yun gusto ng asawa ko.. di daw papayag tatay ko.Ipinaliwanag ko na dapat salitan kc apo din naman nila yun hndi pwedeng lagi nlng samin para maiwasan ang d pagkakaunawaan, ayun di umiimik haha 6months palang c baby sa tyan ko pinag aawayan na.. anu pa kaya pag lumabas na. Excited cla sobra.Yung mas excited pa mga magiging lolo't lola kesa sa inyo na magiging parents

kahit nakatira kayo sa kanya ikaw ang nanay ikaw ang makakaalam kung saan kayo makakabudget na swak sa bisita kasi kayong mag asawa halos mang iimbita ng bisita. pwede nyo naman tanggapin yung suggestion ng mama mo kung alam mo sang ayon ka. pero kung hindi kausapin mo nalang ng maayos. excited lang din sya sa birthday ng apo nya.

uuwi pa lg po kami , sa usapan nmin ng mama ko over the phone sya nag decide kung saan gaganapin ang bday ng baby namin kc insulto nga daw. wala nman ako choice kasi ayaw ko namn tumira sa magulang ng hubby ko. Ngaun pa lg hirap matulog tpos balak pa nya kunin ang pera ko ksi baka daw maubos sa bday.😕 Kaloka!

VIP Member

Para sakin yung desisyon nio mag asawa ang dapat masunod since anK nio naman yun, ndi naman porket nakikitira kayo ih sasakupin na din ni mama mo desisyon nio para sa sarili mong pamilya. Talk to your mama nalang in a very nice way para ndi din naman sya magtampo.

Mahal nya apo nya at gusto nya ipagmalaki sa lahat Kaya gusto nya maghanda sa bahay sa kaarawan ng Apo nya.. ndi nmn masama un. nagiging issue kc para kayo nakikipag unahan sa paggawa ng desisyon.. kng me budget b nmn e bakit ndi sundin un Plano ng Lola/Lolo..

VIP Member

Same tayo, magbibirthday na rin baby ko this April, gusto ko sana umuwi ng province namin at don magcelebrate. Since nakatira din kami sa mga inlaws ko gusto naman nila maghanda dito. :( Mahirap magkasamaan ng loob sa inlaws lalo na tayo ang nakikisama. haist.

VIP Member

nasasayo yan mommy! kung ano kasya sa budget nio magasawa. saka kung saan kayo komportable... memories nio yan as a family, so dapat wala kayong regrets magasawa pag binalikan nio ang memory na yan. saka baby nio ang magbibirthday... karapatan nio magdecide.

nkikita ko ung srili ko sau ung nkikialam ung mother s bwat desisyon😅the worst is pag di mu sinunod pra kang sinumpa 😂khit nkabukod nman kami. kung mkakausap mu sya ng maayos mas mgnda.desisyon nyu mag asawa ang importante kasi anak nyu yan

ou nga ayaw ko may samaan ng loob ang mama ko kasi nakikisali. Ang hirap. nag usap na po kami ng asawa ko mas gusto nya sa bahay nila kasi sya ang gagastos. Sa side ko naman ayaw ko mainsulto mama ko. Magboboard nlg kami ng bahay pwde kaya yun?

WAG MATAKOT MAGSARILI..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan