26 Các câu trả lời

Mommy, try mo po oatmeal tapos haluan mo ng banana or fresh fruits na gusto mo. Ayun po bfast ng sister ko nung buntis sya. GDM po sya, Ok nman pamangkin ko now. 1year old na. Pakakulit na hahaha AccuCheck gamit ng sister ko na pang rbs nya

Non fat milk po ung inumin nyo wag anmum or maternal milk kasi mataas ang sugar content. Add chia seeds. Tapos whole wheat yung bread. Saka more gulay. Sabi yung okra nakakatulong magpababa ng blood sugar level.

May sugar po ata ung ham spread..saka try po whole wheat bread tpos sa milk po 120ml per day lang po kahit sa oatmeal may portioning po 100grams per meal. Saakin kasi pag morning half cup lang ako ng red rice and 1cup veg

VIP Member

Sis advice lng. Ganyan glucometer ko dati. Bmli ako ng bago kse mataas tlga sya magbigay ng result. Pwdeng hnd calibrated yan. Pero sa experience ko khit I calibrate sya mataas parin sya magbigay ng result.

Mas okay na brand ang ONE TOUCH SELECT. Medyo pricey lang ang strips kasi nasa 650 ang 25pcs na strips pero ok na ok syang gamitin.

I am on a diet din po for a gdm. I usually have 1 cup black rice and green leafy vegetables and a little meat or fish. So far hindi naman po tumataas. Portion control po and walking after meal

Mataas din sakin 141mg/dl after meals. Huhu pero pag gising sa umaga 93 mg/dl. Next week Thursday pa balik ko kay ob 33 weeks na ako ano kaya magiging advice pag ganyan ka taas?

VIP Member

Ako po pag nag bbreakfast nasa 80 -90 Pag naman po dinner pumapalo ng 109 mataas po sugar nyo mamsh more water at iwas ka po sa sweets

Miss ask lang mga magkanu bili mo nang glocumeter? Kasi need ko din. More okra ako at oatmeal din rice minsan peru 1/2 cup lang

sis try mo sinocare s shopee mura lng 500+ complete set

Pagnagbread po kayo wag nyo na po lagyan spread kasi may sugar din po yun...two slice bread lang po dapat.

Boiled egg po momsh, mataas po siguro ang sugar ng ham spread nyo momsh. Check the label po.

Câu hỏi phổ biến