Breastmilk

Hi po! Ako lang ba or may same din ng experience ko. Kakapanganak ko lang kase last March 16, siguro ilang days lang nag start ako mag pump kase hindi naman maco consume lahat ni LO yung milk ko, nag oover supply kase ako kahit walang supplements or before pa ko nag pump talagang sobrang daming milk. Yung mga na pump ko nilalagay ko agad sa freezer pang stock kase ayoko din naman painumin sa bottle si baby kase gusto ko direct latch muna siya sakin. May panganay pala ko na 2 years old, parang naisip lang namin ni hubby na what if ipatikim namin yung breastmilk ko sakaniya hahaha, hindi kase ako nakapag breastfeed sa panganay ko. Nagulat kami kase nagustuhan niya kahit nagfoformula milk siya, so ang ginawa ko para ma consume yung pina pump ko, pinapainom nalang din namin sakaniya so parang mixed feeding na siya. Akala ko nga iluluwa niya kase malayo sa lasa ng formula milk niya hahaha. #breastmilk

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời