UTI 6 MONTHS PREGANANT

hello po aino po ba dito nakaranas ng UTI? 6 MONTHS NA TUMMY KO..safe po ba yung antibiotic para sa uti kahit buntis? wala po bang effect sa baby?

511 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako rin sobrang Lakas ng UTI ko iLang weeks din ako niresitahan ng Antibiotics una 3x a day 1week di nawala 2nd week 4x a day di parin na wla pang 3rd ko na oraL na binigay 13 weeks na ko ok nmn na di masakit baLakang at puson ko . Lagi kac ako dinudugo cmuLa 8 weeks ko ung paLa my hematoma ako kaya bed rest at nag tatke ako ng pam pakapit po. Keepsafe po 🥰🥰🥰

Đọc thêm

mas maganda po kong resita ng doctor mo yung anti biotics na iinomin mo para sa uti ..at maganda kung itake mo yung para sa uti mo..ako kase 6 month na tummy ko mataas Ang uti ko tapos hindi ako natetake ng gamot Kaya ayun napaanak ako kambal pa NAman baby ko😥..Kaya inumin mo po yung para sa uti para hindi tumaas yung uti mo po at hindi ka po mapaanak ng maaga...

Đọc thêm

I had UTI... 7 days antibiotic po ako just follow lang po kung anu nireseta ni doctor... yung akin after 7 days ng antibiotic mataas pa din UTI ko doc gave me another set of antibiotics pero di ko binili... what I did is clean my femfem every wiwi tapos wash mo sya with betadine dun bumaba UTI ko sana gumana din po... and more more water labanan hahahahaha

Đọc thêm

safe naman po as long as prescribed by your OB. At 4 months, I experienced UTI which is meron pong drop of bloods. Consulted my OB then found out I have UTI. Prescribed me some antibiotic for a week then maintained 2 L of waters everyday. Then last June, I had my urine examined. Thanks God, my UTI is gone. Listen to your OB. They know best. 😊

Đọc thêm

Ako din may UTI ako nung isang araw ko lang nalaman nung tatlong araw na ako nilalagnat nagpalaboratory ako. Natakot ako kasi di masyado gumagalaw baby ko mula nung nilagnat ako. Kahapon pang 5th day ko na nilalagnat buti nalang effective yung antibiotic na nireseta ng OB ko kaya ngayon medyo nawala na lagnat ko at malikot na ulit sa tummy sa baby 😊

Đọc thêm

1st tri. ko binigyan ako ng ob ko ng antibiotic para sa uti 7days for 1week then nung nag 6 months nko nakitaan ulit ako antibiotic nnmn 2x a day for 2 weeks. mas ok na sumunod tyo sa ob ntn kasi pag labas ni baby sila ung mag kakainfection and normal lng nag kaka uti kasi hinaharang ng baby ung daluyan ng ihi ntn kaya di ntn alm na naiihi na pla tyo.

Đọc thêm

May mga gamot na pwede sa buntis. Ako 8mos nagka UTI. Sobrang taas ng pus cells ko, over 100+. Kaya nabahala yung OB. Pinagtake ako ng Monurol, nasa sachet ihahalo sa tubig. Isang inuman lang for 1wk. Ganun kalakas yung nireseta sakin. Nagka diarrhea ako as side effect pero mas ok naman daw na magamot ang UTi kaysa naman makuha ni baby pagkalabas.

Đọc thêm
Thành viên VIP

neresitahan din ako ni OB ng antibiotics 22 weeks tyan ko pero 1 a day ko lng iniinom.in 4 days,hindi ko kinompleto 7 days kc ng worried ako.inom din ako ng buko Umaga at hapon tapos maraming tubig.nag pa laboratory ako ulit 38 weeks na tyan ko.thank god Wala na ako uti.tuloy parin pag inom ko ng buko hangang nanganak ako,malusog nman baby ko now.

Đọc thêm

epektibo naman po ang buko ..niresetahan aq dati ng OB ng dalawang klase ng gamot pampawala ng UTI dahil ang puss cells 10-30 ,kaya lang after maubos un,pagkalipas ng 2 buwan nag urine test ulit aq naging 50-80 naman .. di na aq umasa sa antibiotic ..nagbuko nlang aq araw-araw pagkagising yun ang una kong iniinom..ayun nag 2-5 nlang puss cells ..

Đọc thêm

Ako po, bale 3x na ako nagka infection sa ihi, parang 3months, 4months at ngayon meron ulit, 7 months na kami. 1 week ulit akong antibiotic. Hopefully wag na ako ulit magka infection, ang lapit na, ilang buwan na lang, gusto ko sana mainormal delivery ko si baby. Itry ko din pala yung nabasa ko dito na buko juice saka nilagang buhok ng mais 🙏

Đọc thêm