UTI 6 MONTHS PREGANANT

hello po aino po ba dito nakaranas ng UTI? 6 MONTHS NA TUMMY KO..safe po ba yung antibiotic para sa uti kahit buntis? wala po bang effect sa baby?

514 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I use to have UTI din po when I was pregnant, and sinabihan ako ng OB ko na possible na i cs ako kung di baba or mawawala ang uti ko dahil delikado for the baby pag thru normal ko sya ilalabas dahil nga sa infection. so niresetahan din ko ng OB ko ng antibiotic for about 2 weeks din un kasi hindi bumababa/nawawala ang UTI ko, then nung no effect sakin ang antibiotics, She adviced na uminom ako ng buko juice or nilagang buhok ng mais kasama na mais pag naglalaga ako (without salt) then she also adviced na mag distilled water muna ako(absolute or wilkins), then ayun before ako manganak bumaba ung count ng uti ko and nailabas ko ung baby ko ng thru normal vaginal birth.. 😊🙏

Đọc thêm
2y trước

1 yakult per day, gamot din sa uti maliban sa buko, Nilagang 7 dahon ng guyabano pwedi din, kaso nakapa pababa ng dugo ang guyabano, but it is safe din sa pregnant

ako unang urinalysis ko WBC ko nasa 35-36 which is sobrang taas para sa normal WBC sa ihi which is dapat 2-5 lng then buko juice ako pero walang effect that time di nmn ako nagkakain ng maaalat tapos +1 pa PROTEIN ko sa ihi niresetahan ako ng antibiotic,CEFUROXIME inumin ko daw for 7 days, grabe ang mahal 53 pesos isa sa mercury,then inadvice sakin iwas sa mga karne lalo na manok sobrang hilig ko non,grabe kasi ako maglihi iniiyakan ko talaga,yung antibiotic unang take ko pa lang grabe side effect sa sikmura ko di kaya ng tiyan ko, pero pinilit ko then sa 12 pcs na gamot na nabili 3 lng nainom ko kasi di ko talaga kaya sobrang pait pa as in,di din nmn ako malakas sa tubig kasi pag nasobrahan sa inom suka agd kaya stress talaga then ginawa ko binawasan ko pagkain ng manok tapos nag take ako CRANBERRY JUICE HEALTHY BALANCE 1 liter juice lng yon then halos araw araw din ako nainom ng DELIGHT ung parang yakult nag search ako walang proven na nakaka gamot yon ng Uti pero nakakabawas then medyo dinalasan ko inom ng tubig then bumaba uti ko naging 10-12 n lng ,pinaka last kong urinalysis, WBC ko 3-4 n lng hindi pa din normal pero madadala na lng sa tubig tubig sabi ni OB,anlaki ng improvement Thank God

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ako po, dating may UTI na bago pa mabuntis. Nung nag-request sakin si OB ng lab, mataas ang UTI ko kaya binigyan ako ng anti-bacterial. Ite-take siya ng wala pang laman ang tiyan, para siyang juice na tinitimpla. Fostomycin Monurol tapos nung naubos po, buko juice and water lang po ang ginagawa ko para ma-prevent yung UTI ko. Sabi ng OB ko, normal talaga sa mga buntis magka-UTI.

Đọc thêm
2t trước

aq rin po ftm here my uti din po pro nung unang mga labs ko ok nmn but niton 7months preggy nko sabi ng ob ko my uti aq n my somerhin n nkitang bacteria skin then ilang beses nia ko pina urinalysis at irine culture thru catheter ang sakit kc delikado dw dhil short cervix din aq niresetahan aq ng fosfomycin for anti bacterial gamit un na powder ididisolve s tubig tpos iinumin pro super mahal nsa 500 + ang isang sachet so niresetahan aq ng ob ko ng ampicillin sulbactam for 1week then ayun repeat urine culture aq sa nov 20 pra malaman if bumaba ung infection

safe nman sis,Been that situation may uti ako kahit 1month lang yung first baby ko sa tummy ko,binigyan ako reseta mga 3months na tummy ko kasi naka ilang ulit din ako nagpa check ng ihi pero mataas talaga,kaya nag decide ob ko na mag reseta ng antibioti for my uti. natakot din ako uminom sis kaya di ako uminom,after a month dinugo ako (pero yung dugo konti lang ha). umiyak ako sis natakot buti nalang andun yung nanay ng hubby ko sabi nya wag kang mag alala hindi yan anak mo,Sa uti mo yan kaya inumin mo lang yung nereseta ni doc. uminom ako mga 2 gamot palang nawala din yung dugo. Listen to your ob talaga.

Đọc thêm
4mo trước

ako din po may uti reseta po sakin cefalexin 3x a day mag take po for 1 week right now po nilalagnat ako and masakit yung balakang ko

nag ka UTI ako, tapos 5mos ako nag pa checkup then nakita namay UTI ako. niresitahan ako agad ng OB ng antibiotic for 1week inuman lang. ansabe saken pag 6mos na bawal na mag inom inom ng antibiotic kaya malapit nako mag 6mos tinigil kona antibiotic ko bahala na sabe ko. then bumalik ako sa OB ko mga 7mos na si baby sa tummy matagal bago nakabalik super busy kasi. thankfull naman kasi kahit diko naubos gamot ko nawala na UTI ko kasi sabe saken pag may UTI ka dapat tubig unahin mo every morning 2 cups of water tlaga. tapos dapat malakas ka sa tubig jan tlaga nawala pananakit ng balakang ko na parang mapuputol mga buto ko. buti nakatulong naman saken ang tubig ko. 🤗 kaya mommy if tapos kana sa gamotan try to drink more more water a day. ako nakaka 3 pitsel ako a day 😅 pero diko hilig uminom tlaga since kids pako haha..

Đọc thêm

Hindi safe ng antibiotic sa buntis ng basta basta k lng iinom.nka depende sa ob mo.kng nong klaseng gamot sa uti ang ereresita sau.check up ka muna sa ob mo at test muna urine bago ka iinom ng gamot.

2mo trước

Ako halus simula pag buntis until now 😢😢😢 dami na antibiotics na inum, ngpa cured n ako ng urine, 7months pregnant.

ako sis as per my Endocrinology may konting UTI daw ako nung pinakita ko yung result ko ng Urinalysis then tinanong niya kung binigyan ba ako ng anti biotic ng OB ko kasi OB ko yung nagrequest ng Lab kaso wala siya binaggit na may konting UTI pala ako.. kaso sabi naman ng endocrinology ko okay lang naman daw kasi may mga case na pagMild lang no need na na bigyan ng Anti-biotic. Kaso ako nagwoWorry ako para kay Baby kahit konting UTI lang ito ☹️

Đọc thêm
2y trước

same here 😔

may uti na aq dati pa. nitong buntis na aq nagpa lab aq normal nmn lahat ng labtest q. pero sabi nong doctor parang may nakita xia infection parang sa kidney dw. pero wla nmn nireseta basta ang sabi mag water water lng dw. basta hindi aq mag bleeding ok lng dw.

2y trước

same po tayo mommy mababa lang ang percent ng UTI Ko pero nung unang lab ko ang sabi ni doc may nakita daw sa kidney ko na crystal nakukuha sa mga ma calcium na pagkain then after 1week nagpa lab ulit ako wala ng nakita si OB more on water lang daw po talaga .

Same here 8months preggy may uti padin pero dapat daw 1week lang ang inom ng antibiotics after 1week dapat clear na . Na inom din ako ng pure buko juice pero wala padin 😔

2y trước

mommy wag po maniniwala sa buko juice na puro... mas maganda po puro water lng... mas malaki maitutulong s pagpapababa ng uti pag take ng madami tubig... tpos everytime n iihi po maghuhugas ka po pagtapos malaki tulong din po yun... ganun lang po remedies ko nung 6-7 months tyan ko awa ng Dyos nawala po pus ko... partida po cefalexin pa pinaiinom skin ni ob ksi di sya makuha kuha sa 2weeks n pag take ko ng amox kaya nilipat ako ni ob s cefalexin at after a month nawala n po pus ko... last urinalysis ko po clear n pus ko 0-1 traces nlng po sya means clear

lahat ng gamot n iniinom ntn may effect po yan mommy sa baby natin... meron lng tlgang gamot (antibioitc man o hnd) na hnd gnon kalakas ang effect ,but still meron pa rn... Ano po ba result ng lab test mo, gaano kataas ung infection? FRESH N SABAW NG BUKO , araw2 at MARAMING TUBIG ang pnka safe mo n pwede inumin ... pra maiihi mo ng maiihi at lumbas ung bacteria... and ugaliin po na after maghugas ng private part, dampian ng malinis na pamunas pra hnd basa at pamahayan ng bacteria. Stay hydrated mommy.. pra kht sa natural ways mabwasan ang UTi.. #registeredNurse

Đọc thêm