17 Các câu trả lời
6months na ako ngayon.. Ganyan din po ako, I lost 7kg sa first 3months ko dahil wala ako gana kumain lahat sinusuka more on quaker oat, fita biscuits at sinaing na hilaw na saging kinakain ko (more on bland flavor) at iwas sa kahit anong amoy kasi nattriger ako sumuka. Baka kulang po kayo sa Vitamin B po? I tried B complex medyo nag improve siya. Nung 4months nagstop yung pagsusuka ko at sa breakfast medyo nakakabawi na ako sa kain, after lunch wala nanaman gana until dinner ayoko sa kahit anong ulam so yung kinakain ko every dinner quaker oats na may gatas. Nung 5months na ON and OFF yung appetite ko, hindi ko pinipilit sarili ko kumain kasi na trauma ako baka sumuka. Inaantay ko lumamig yung pagkain before ako kumain kasi hindi ko talaga gusto amoy ng ulam. Ngayon 6months magana na ako kumain as in ako nalang nagpipigil baka kac lumaki ako. May times pa rin na wala ako gana at pagtingin ko sa food iniisip ko AYOKO YAN pero once matikman na nasasarapan na ako feeling ko dahil natrauma ako nung 1st trimester na suka ng suka. Just make sure normal ang timbang mo at ni baby.
same tayo mi. 6-13weeks suka talaga as in di kumakain halos, 14-17weeks di na nagsusuka pero walang gana lalo sa rice at ulam. ngayong 20weeks na ko and may gana na ko, actually lagi nang gutom. nag start sya nung 18wks ako. i even lost 4kg and di ko pa rin nababawi until now pero good thing nakaka-kaen na ko. thanks God na lang rin at nasa tamang timbang naman si baby based sa pelvic utz kahit di ako nagkakain nung first trimester. wait ka lang mommy babalik din appetite mo unti unti. bumawi ka na lang sa fruits at milk at ung naisipan mo kainin, kainin mo agad habang may gana ka. wag ka rin mag skip ng vitamins at more water intake.
i feel you mi. sa una lang yan part ng paglilihi. makakabawi ka rin babalik din gana mo sa pagkain. akala ko rin dati di na babalik gana ko pero unti unti naman bumalik sa normal. makakaraos rin. ☺️
Nawawala talaga gana kapag 1st trimester, kasalanan ng hormones po yan. If nasusuka kayo, try to eat skyflakes or crackers para mawala nauseous niyo, watermelon and banana helps din to ease nausea.. Wala kang gagawin para bumalik ang gana sa pagkain, kusa syang babalik during the 2nd trimester... If ayaw mo ng masabaw na pagkain, yung dry nalang as long as may kinain ka, iwas sa dairy food and oily food kasi nakaka trigger yun.. If di talaga maiwasan gagamit ng oil, then drained niyo ang oil sa tissue bago kainin, kumain ka din ng oats, yung food na rich in fiber. Bawi ka sa fruits if di ka naman nasusuka doon
Sa ngayon naman po 15 weeks nako and nawala wala narin po yung suka suka ko. usually dati kapag hapon saka pagabi ako suka ng suka. ngayon po sa kanin at ulam po talaga ako hirap. Kaya minsan pag di ako nakakakaen ng kanin nag puprutas po ako yung peras tapos tinapay.
hindi kaya sa vitamins na iniinom mo..ewan ko lang ha kasi un start ako uminom ng folic acid ganyan ako naging maselan halos 2kutsarang kanin lang nasusuka na ako kaya itinigil ko un pag inom ko ng folic acid(sana hindi magalit sa akin un ob ko kasi hindi niya alam😅😅) tapos nun itinigil ko hayun kung malakas na ako kumain maski mas gusto ko un prutas at isda ngayon..sana maging malusog un baby ko kahit walang folic acid feeling ko kasi pag nanghina ko paano n un baby ko sa loob so kailangan maging mlakas din ako para healthy rin siya.
Hindi ko lang po sure kung sa vitamins. Pero po kasi nung going to 7 weeks po ako dati nakakaramdam nako na parang iba na yung panlasa ko sa manok palang po kahit anong luto. tapos ayun tuloy tuloy na po kahit anong klaseng ulam. Saka maselan din po ako sa pang amoy ko po till now pag nakakaamoy padin ako ng nag gigisa diko padin kaya.
ako po my 8 months na po aq ngayon 😊 pero mapili pa rin po aq pagkain... lalo na sa gabi nahihirapan ako kung ano kakainin k na di ako masusuka po... dahil pag kinain k ang pagkain na ayaw k at ipipilit ko po sasama pakiramdam ko 😭 pag di aq maka kain ng maayos babawi po aq sa gatas... since 1st tri ko po ganito na ako hanggang ngayon...
Must try to eat citrus fruits or any fruits na maasim. Makakatulong yun para ganahan ka kumain. Try mo yung mga ulam na masabaw like sinigang,nilaga,or tinola.. Sana makatulong, ganyan rin kasi ako on my 1st tri, halus bumaba sa 49kls timbang na dating 60kls. Ngayon nalang 2tri ako nagbabawi xaka pacheck up ka para mabigyan ka ng vitamins.
Part ng paglilihi ang pagsusuka, pero help yourself rin kahit konti kainin mo parin atleast nakakain ka kahit konti lang.
ung pinsan ng asawa ko, ganyan din nangyari. grabe ang pagsusuka during first trimester. hindi rin makakain. pumayat at gumaan pa ang timbang nia kahit buntis. pero eventually, bumalik ang gana nia sa pagkain. binawi nia kasi mababa ang timbang ni baby based sa ultrasound. naging normal na ang timbang nia at timbang ni baby pagkapanganak.
lahat daw sunusuka nia. wala siang ginawa. pero pinipilit niang kumain para sa baby. unti unting bumalik din ung sagana nia sa pagkain.
Yan din problema ko ngayon. 9weeks preggy. Sobrang walang gana kumain, gusto ko malamnan tyan ko pero wala ako maisip na gusto ko. As in wala akong gana. Nag aalala ako kasi payat na ako baka lalo pa ako pumayat. Tapos lagi pa nasusuka wala na ngang kinakain😩 sana bumalik na gana natin sa pagkain, kawawa naman si baby.
Ganyan na ganyan po ako kumakapit nalang po ako nun sa sabe nila na pag 2nd trimester babalik na. Pero ngayon kahit 2nd trimester ako di padin siya bumabalik. Minsan umiiyak nalang po ako kasi nakaka guilty pag wala ka makaen :(
hi mommy dika nag-iisa 14 weeks na din ako at wala paring ganang kumain. bumaba din timbang ko ng 2 kilos. mabigat parin ang katawan ko and walang ganang gumawa ng activities na nakasanayan. siguro hintay lang natin na bumalik kusa yung appetite natin, rest mo na tayo and more water intake.
Hoping po na sana bumalik na :( Kasi pag di nakakakaen sobrang nakakapanghina naman. Iniisip ko nga po baka kaya dipa bumabalik dahil takot akong itry ulit yung mga pagkaen nakapag pasuka at hirap sakin nung 1st trimester. kumbaga parang nagkaroon kasi ng trauma lalo na sa lasa saka sa pagsusuka.
Bumalik po ang gana ko sa pagkain mga 18-19weeks po, ganyan din po ako dati start nung bumaba timbang ko ng 6kg dahil halos puro skyflakes lang kinakain ko at sinusuka ko din mga ibang pagkain.
May ginawa po ba kayo i mean kinaen niyo po ba paunti unti yung mga ayaw niyo kainin before? o bigla nalang po ako natakam sa pagkaen?
Anonymous