Safety

"PNEUMONIA" Inuubo ba ang anak mo at may mataas na lagnat? Huwag ka munang matataranta at iisiping may pneumonia siya. Bagamat ang lagnat at ubo ay senyales ng pneumonia, mayroon pang ibang sintomas na kaakibat ng sakit na ito: ♧ Panghihina ♧ Pagsusuka ♧ Pagtatae ♧ Kawalan ng gana sa pagkain ♧ Sakit ng ulo ♧ Muscle pain ♧ Hirap sa paghinga 2 Kategorya ng Pneumonia: ? BACTERIAL PNEUMONIA ~ Mabilisan o agaran ang mga sintomas Sintomas: ▪ Mataas na lagnat ▪ Mabilis na paghinga ▪ Ubo ▪ Ayaw kumain ▪ Mukhang may matinding sakit ~ Tingnan ang mga sumusunod na senyales: lumalaking butas ng ilong o lumulubog na dibdib kapag humihinga, mas mabilis na pulso, at bluish na labi o kuko. Pwede silang magmukhang mahina, pwede ring magsuka, o magtae. Hindi pangkaraniwang sintomas din ang pagsakit ng tiyan at stiff neck. Cause: "Streptococcus pneumoniae is the usual cause, but other bacteria (such as Staphylococcus aureus or Mycoplasma pneumoniae) Can cause pneumonia, too." Treatment: ~ Antibiotics ~ Ang cool mist humidifier ay makakatulong din ? VIRAL PNEUMONIA ~ Nag-uumpisa sa simpleng sipon at unti unti ay nagiging malala. Sintomas: ▪ 38.6°C na lagnat o mahigit pa ▪ Mahalak na ubo ▪ Humuhuni habang humihinga (wheezing) ▪ Mabilis na paghinga ~ Ang panghihina, pagsusuka,o pagtatae ay maaari ring sintomas ~ Hindi ito kasing tindi ng at hindi naman ito tutuloy sa bacterial pneumonia pero pwede itong maging rason para mas maging prone ang bata sa bacterial form ng sakit. Cause: "Viruses behind pneumonia include respiratory syncytial virus (RSV), parainfluenza virus, adenovirus, and the flu virus." Treatment: ~ Pwedeng ang gamutan ay limitado sa tubig at pahinga dahil hindi nagre-respond sa antibiotics ang viral pneumonia. Sa katunayan, ang pag-inom ng sapat na fluids ay makakatulong para maiwasan ang dehydration na dala ng mabilis na paghinga at lagnat na minsan ay side-effect ng pneumonia. ? Ano ang pwedeng gawin para maiwasan ang Pneumonia? ♧ Maging updated sa bakuna ~ Ang Hib, DTaP, MMR, flu (for children at least 6 months old), chicken pox, at pneumococcal vaccines ay maaaring makatulong para maiwasan ang pneumonia. ♧ Practice good personal hygiene. ~ Maghugas ng kamay at hugasan din ang kamay ni baby nang madalas. Huwag hahayaan na maki-share si baby ng cup o iba pang utensils. Laging hugasan ang mga madalas madumihang parte na pwedeng mahawakan ni baby tulad ng phone, toys, doorknobs, at refrigerator door handle. ♧ Gawing smoke-free ang inyong tahanan ~ Ayon sa pag-aaral, ang mga bata na nabubuhay sa usok ng sigarilyo, kahit sandali lang, ay mas prone sa pneumonia, upper respiratory infections, asthma, at ear infections. Translated by: Breastfeeding Mommy Blogger SOURCE: https://www.babycenter.com/0_pneumonia-in-babies_1195128.bc ctto. Breastfeeding Mommy Blogger

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan