HELP PO SA FIRST TIME MAGBREASTFEED
#pleasehelp me po kasi bagong panganak lang ako. Pinaglatch ko agad si baby sakin while in the hospital pero sobrang iyak niya kasi wala naman ata siya nakukuha. Kahit pisilin ko din nipple ko, walang nalabas. Ngayon, 5 days na si baby, may nalabas na sakin pero kokonti as in. Sa umpisa katuwa kasi may nalabas na finally. Pero kahit magpump ako, kokonti lang din ang naiipon both breasts na yun. Ang ending, sobrang umiiyak si baby to the point na namumula na siya. Naaawa naman ako sa anak ko kasi gutom na kaya no choice, kahit gusto ko magbreastfeed all the way, napapaformula nlng tuloy ako 😭😭😭 Pag formula iniinom ni baby, talagang nabubusog siya, kumakalma at masarap tulog niya. Kaya nawawalan na ako ng pag-asang magstick sa breastfeeding plus yung shape ng nipple ko (areola to nipple tip) is parang cone shape, hindi tulad ng ibang nipples ng babae na prominent yung shape ng nipple tip kaya nasasuck talaga ng babies huhu Sana po may makatulong or may makapagadvice sakin what would be the best way for both me and baby. #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #advicepls #breasfeeding
Got a bun in the oven