Problem sa sleeping pattern

Hi. Please I am in a serious situation at problemado sa baby ko regarding sa sleeping pattern niya, kaya kung wala po kayo time basahin ang MAHABANG EXPLANATION ko, wag nalang po kayo magcomment. First baby ko po ay 1yo and 8mos today, naghahanap po ako dito na baka meron din nakaka-experience ng katulad ng sa baby ko... EVERY NIGHT, every final sleep niya sa gabi, within an hour, may hindi ako maipaliwanag kung BAKIT PALAGING NAGIGISING BABY KO 🥺 as in po. Sobrang seryoso na nai-stress ako, bago ako magpost dito sa asianparent app, i've been experimenting, lahat ng techniques, common advices ay ginawa ko napo lahat para lang umayos ang sleeping pattern ng baby ko. Pero hindi ko napo talaga kaya yung gabi gabi na nawiwindang at nagpipintig na yung tenga ko kakangalnagl ng baby ko tuwing magigising sa final sleep niya. To make the story short, ang nagiging normal FINAL NA FINAL sleep po kasi ng baby ko ay kung hindi 1am, ay 3am. (Yes dun lang sa dalawa na yun palagi, 1am or 3am) Ngayon, i-explain ko po.. Palagi naman tinatry ko gisingin siya ng maaga 7am or 8am, tapos kahit magmuryot siya kasi antok pa siya, pinipilit ko parin dahil nga para maaga siya inaantok sa gabi. So ayun nga po, pag ginising ko siya ng 7/8am in the morning, makakapagbfast naman po siya and dede, maglalaro konti, then paliliguan ko, mga bandang 11am aantukin na ulit siya, magsleep siya palagi ng 2-3hours, after niya magising, let's say 11am-2pm, usually hindi ko na siya pinapatulog or idlip ulit hanggang sa abutin na ng gabi para magfinal sleep (dahil sabi nga ng karamihan, wag na daw pinapatulog ng hapon para maaga makakatulog sa gabi), WHICH IS PALAGING FAIL sa situation ko. Kahit successful ako na hindi siya antukin ng hapon at hindi ko patulugin ng hapon hanggang final sleep sana niya, nagigising at nagigising pa din siya. Minsan tinatry ko na ang final sleep niya ay 8pm, pero magigising pa din, so tinry ko medyo mas pagabihin pa baka kako sakali magtuloy na, pero fail padin, tinry ko ng 9pm, 10pm, 11pm, lahat yan tinry ko na. Weekly, monthly, pero narealize ko at napansin ko na talagang pagka yung final sleep niya ay before 12am, automatic yon na magigising at magigising siya at magmumuryot at ayaw na matulog gusto ng magpabukas ng ilaw at makipaglaro or minsan manood sa mini tv niya. Ngayon, kapag ganun ang nangyayari na nagigising siya palagi ng ganun, ang nagiging final sleep na niya ay 3am, MATIC DIN YON as in always ganon. And kaya ko sinabi na 1am or 3am ang final-final sleep niya, kapag naman kasi for examplen pinaidlip ko siya sa hapon, let's say na diba may tulog siya ng 11am-2pm, pag nagising siya, makikipaglaro na siya, merong mga time na pag napagod siya at di napigilan antok niya, pinapatulog ko pa siya ng 4pm-5:30pm, at dun papasok yung 1am na final-final sleep niya. Kaya ko naman napansin na basta before 12am siya nagfinal sleep ay nagigising siya, kasi kapag napalagpas ko ng 12am, at yun nga ay 1am tsaka palang siya mag final sleep, e nagdidirediretso na talaga, hindi siya nagigising, mahimbing na ang tulog. Ang problema ko kasi, hindi ko alam kung hahayaan ko nalang ba na 1am na lang talaga ang final sleep niya para at least mahimbing, kalmado, at hindi na siya nagigising ng after an hour. Or ipipilit ko parin ayusin ng ayusin na paagahin sleep, kahit na alam kong lahat naman ginawa ko na para lang antukin siya ng maaga sa final sleep niya, tapos pag inorasan mo talaga, within an hour, madalas pa nga ay saktong 45minutes, bigla nalang siya magigisng at iiyak. Lahat ginawa ko na din kapag nagigising siya, hinehele, pero nagwawala lang lalo, tinatapik-tapik para makatulog ulit pero lalo lang din iiyak, pag naman nilambing mo o kinausap, wala din mangyayari kundi iiyak lang. Ang hirap hirap niyang pakalmahin once na nareach niya yung tantrums niya. Sobrang hirap napo ng kalooban ko. Please I need help. Nakakapagresearch din kasi ako na yung ganitong hindi maayos na sleeping pattern ng baby ay sign ng autism. Nagtanong nadin naman kasi ako sa pedia ng baby ko kung kailangan naba na ipatingin siya sa developmental therapy, pero hindi pa naman daw hanggat di pa 2years old, puro advice lang na lahat naman e tinry ko na pero fail parin talaga when it comes to my baby's sleeping pattern. PLEASE HELP. Baka meron sainyo nakakaexperience din kasi...

2 Các câu trả lời

Câu hỏi phổ biến