Insulin
Please guide me. Para magka idea naman ako kung pano ang process ng pag I-Insulin and magkano ang magagastos ko? Tinanong ko na to last time may mga sumagot na 1k. I'm confused. I really don't have an idea. Anong 1k? Yung process sana mga mommies, how much, pano ginagamit. Thank you

First of all po, nasabihan na po ba kayo na for insulin na kayo? Kasi if ever po mas magandang magexplain sa inyo yung duktor na magrereseta sa inyo ng insulin. Iba-iba po kasi ang reseta ng insulin, kung anung brand or klase ng insulin, kung ilang beses ang turok at kung ilang units ang ituturok. Dun po maeestimate kung magkano ang magagastos ninyo. Maaari po kayo makagastos ng 1 thousand pataas. Ang pagturok po ng insulin depende sa type ng insulin ninyo, meron po yung nasa vial or bote na maliit at ginagamitan ng syringe, meron din yung pen-type na pinapalitan lang ang karayom. Pero parehas po tinuturok sa taba like sa braso, sa hita or sa tiyan kung kaya pa. Meron nagtuturok once a day like bago matulog. Meron nagtuturok bago kumain. Again po, mas maganda po na maexplain sa inyo ng duktor ninyo ang tamang proseso. Maari din po kayo manuod ng mga videos sa youtube.
Đọc thêm