9 Các câu trả lời
Hi sis suggested na bang mag insulin ka? Ako kasi pinag insulin na ng Endocrinologist ko. 1month ako nag log ng mga kinakain ko and nag cchk ng fbs and rbs. Fbs(fasting blood sugar) eto po ay chinicheck ang bloodsugar bago kumain ng breakfast using glucometer. Then everytime ko kumain after 2hrs nag cchk ako ng rbs(random bloodsugar). Then lahat ng iyon nilolog ko pati ung kinain ko. So ayun na nga dahil nag rereach ako minsan ng 150 to 170 minsan pinka mataas nag 200 ako. Bingyan ako insulin. Brand is INSULATARD for 670 each tapos hiwalay pa ang needle 15pesos each needle. And takenote bawal ulitin ang needle. First 1wk ko na nag iinsulin is 4units muna before dinner. So minsan mataas pa dn. Pagka balik ko after 1wk tinaasan dosage ko from 4units to 6 units. Nag oobserve pa din ako sa mga result ko so far medyo gumanda na result ko. Pag my nakakain lng tlga ako bawal dahil minsan nag ccrave ako yun nag sspike sugar ko.
First of all po, nasabihan na po ba kayo na for insulin na kayo? Kasi if ever po mas magandang magexplain sa inyo yung duktor na magrereseta sa inyo ng insulin. Iba-iba po kasi ang reseta ng insulin, kung anung brand or klase ng insulin, kung ilang beses ang turok at kung ilang units ang ituturok. Dun po maeestimate kung magkano ang magagastos ninyo. Maaari po kayo makagastos ng 1 thousand pataas. Ang pagturok po ng insulin depende sa type ng insulin ninyo, meron po yung nasa vial or bote na maliit at ginagamitan ng syringe, meron din yung pen-type na pinapalitan lang ang karayom. Pero parehas po tinuturok sa taba like sa braso, sa hita or sa tiyan kung kaya pa. Meron nagtuturok once a day like bago matulog. Meron nagtuturok bago kumain. Again po, mas maganda po na maexplain sa inyo ng duktor ninyo ang tamang proseso. Maari din po kayo manuod ng mga videos sa youtube.
Need mo muna ng glucometer, cbg strips and lancet for monitoring your sugar. Insulin and needle para mag inject ka ng insulin. May scale na ibibigay ang endocrinologist mo na need mo sundin para malaman mo kung ilang units ang iinject mo. Usually, need mo mag check ng sugar before meal or 1 hour after meal para malaman mo kung mag iinject ka ba o hindi. Since first time mo, tuturuan ka naman ng Endo mo. 1k ang insulin pen pero 100 units na ang laman nun. 15 pesos ang isang insulin needle. So more than 1k ang magagastos mo momshie.
depende po yan sa recommended ng dr mo, sundin mo lang. wala nmn po kahit cno dito makakasagot ng "exact amount" na magagasstos mo..pg mataas ang sugar, need mo bmili ng png-monitor, nasa 2-3thou isang set nun, depende sa brand..my needles yun at strips, sympre bibili k lagi kc daily ang monitoring bago k mag-inject ng insulin...yung insulin depende din sa brand ang price and depende din ilang beses sa isang araw ang pag-inject kung gano katagal isang vial nun..so better ask your dr and saka k pumunta pharmacy pra itanong mgkano mga yan.
check mo po sa youtube, meron dun kon paano gamitin ang insulin pen at dpende rin kung mgkano ung dosage na bigay sau ng doc. i set mo lg sa recommended dosage mo ung no. sa pen den ituturok sa balikat o binti. ung doc q kasi pinaturoan nya ako sa nurse kung paano gumamit non at nkita q rin sa youtube.
Pag sobrang taas kasi insulin agad tapos iba ibang units yan depende kung gaano kataas sugar mo. Pwede ka din mag inject 3 to 4x a day ng insulin kung mataas talaga.
I guess best explain ito with ur ob para sknya kna din humingi ng mga tips san ka makakamura 👍
Sobrang taas ba ng sugar mo? Yes, mahigit 1k gamot pa lang yun ha tapos ung pang inject pa.
Irerefer ka ni OB mo sa Endo :)
nka insulin din aq sis. 18units sa umaga at 9units sa gabi.
lady