Pwede po bang maligo sa hapon o gabi ang buntis?
Pinagbabawalan kasi ako ng in-laws ko maligo sa hapon o gabi. eh sobrang mainit po at naging pawisin ako simula nung nagbuntis kaya mas prefer ko maligo sa gabi or hapon para presko. lalamigin daw po kasi baby kaya bawal daw po? How true? #1stimemom #firstbaby #advicepls #pregnancy #24weekspreggyhere
not true po..pwede po kayo maligo or mag half bath sa gabi..para presko po ang katawan nyo at maless din po yung temperature ng init sa loob ni baby..recommend din sa akin ng ob na maligo or half bath sa gabi..need po natin na malinis ang katawan ang presko para relax po.
not true. actually mas bawal nga sa ating maligo ng sobrang init water e. pero wag din naman sobrang lamig kasi pag super lamig ng tubig mo chances na sipunin ka or magkaubo yun lang yon. pero pwede naman ako naliligo rin ako twing gabi.
Not true po. Nag trabaho ako sa bpo company, wala kaming duty tuwing umaga, kaya ang pasok talaga namin eh kadalasan from 8 pm nag sstart hanggang 1 am pa nga minsan. So may buntis akong katrabaho at nag ttrabaho pa din sya on site.
ako po hapon na ako naliligo mga 5pm kase palubog na araw nun . mas masarap maligo .. kapag umaga kase gnun din pawisan ka n nman. sabi kase ng matanda nakakababa daw ng dugo ang pagligo ng hapon o gabi .
Ay ako po naliligo ako sa umaga at sa gabi. Kasi wala naman kami AC. Tas maglalagkit ka naman sa maghapong gawain. Para presko sa pag sleep kahit papano. Wala naman masama. Unless malamig na ang panahon at ang tubig.
not true..im 25 weeks and 2 days everynight ako naliligo bago matulog..me and baby are perfectly health..tandaan makapal ang bahayan ni baby kaya no effect sknya pagligo m ng kahit anong oras
di po totoo. ako 2 times naliligo simula na preggy ako kasi init na init ako. maligamgam lagi pinapaligo ko mas presko kesa di ka makatulog sa sobrang init
Okey lang naman po dahil mas important po ang hygiene pag tayo ay buntis. Better also yung lukewarm water temperature para ma-relax ang feeling niyo po.
Walang medical correlation why hindi pwedeng maligo dahil lalamigin si baby. That is just a pamahiin na nakakasama pa.
Not true. Mapamahiin lang talaga ang matatanda. Mas okay na malinis ka sa katawan kesa sa maniwala sa pamahiin mi 😅