16 Các câu trả lời
ako experience dhil first time mom ako lagi ako suka ng suka lalo na kapag nakakaamoy ako ng ayoko at syaka tamad ako lagi at syaka sumakit dn puson at tyan ko halos mamalipit ako, una d ko pa sure na pregy ako then yun after ilan months nalaman ko dn na pregy ako ngayun going to 5 months na ko at anterior placenta ko kaya d ko ramdam tulad ng iba si baby kundi paninigas, nagbubble sa tyan ko at lagi gutom lang ako bumili rin ako ng fetal heartbeat para monitor ko si baby ko kung safe at ok sya
ako na experience ko feeling alone ako lagi. feeling ko d na ko mahal ng asawa ko tapos pagod na pagod ako sa buhay ko hahaha nag picture pa ko nun pagkagaling kong walang palit palit diretcho higa ako kase pagod at feeling ko malungkot ako hahahah yung after 2 weeks nag PT na ko kase ang gara ng regla ko parang water .
yung sa akin parang magkakaregla din yung pakiramdam ko.. parang giniginaw ako feeling ko mainit ako tapos soreness ng breasts at may very mild cramps sa puson mild lang as in mas masakit ang dysmenorrhea . tapos nakakaantok.. mga 11days ako nag missed period saka ako nag PT at positive..
Iba-iba yung syntoms eh 😇pero ako ,wala pang missed period ko, madalas bigla mahilo ako lalo na sa gabe ,tapos mahilab tyan ko 😅 iniisip ko non baka sa tahi ko lang kasi cs ako 2018 sa panganay ko ,firsttime ko naramdaman na mahilab non ,basta ganon mga syntoms ko non 😅
sakin parang padating yung mens sakit ng puson hilo irita lagi galit basta natatandaan ko 12noon nagpapahanap ako ng balot at singkamas sa katrabaho ko. pinaglalaban ko pa na malapit nako mag mens kaya ganun ako yun pala preggy na😆
depende ksi sa magbubuntis. ako tatlo na anak ko pero never ako nakaranas kahit ano. once na delay na ako ayun matic na buntis na ako regular mens ako. simula 1st born to 3rd born di ako nagsuka , naglihi or cravings .
Saken para akong nagkaroon ng balisawsaw...mayat maya ihi tas so uncomfy ng pempem ko...then nagka implantation bleeding na. dun kinutuban na ako..tapos sakit sa puson na parang rereglahin na.
sore nipples for days, low body temperature and bloatedness. wait mo nalang ma delayed ka.
Masakit balakang, masakit puson, lagi masakit ulo, sensitive pang amoy, masakit likod
almost similar to pms. though for me missed period lang talga ( cs 2017)