A post from Facebook (A reminder as well)

PARENTS! Nakakalungkot... May dinala sa ER kahapon, nag code blue sa 14-day old newborn. Aspiration Pneumonia cause of death. (Napunta lahat ng gatas sa baga, nalunod sa gatas yung baga) 3AM huling pinadede yung baby, breastfeeding sila ni mommy pero that night milk formula binigay. Eh flat na flat yung baby sa bed nung napadede sa sobrang antok nung mommy. Nakatulugan na daw nya pagpapadede sa bote. Nakita nalang nila 9AM, hindi na responsive ang baby. Akala daw tulog lang :'( :( Sinugod sa Lourdes Hospital, pinaalis daw (this I don't know if totoo). From Lourdes nagpunta sila ng Fatima Hospital, 12NN dumating. Code Blue(life and death emergency situation code for the hospital), was immediately called, nung pagka intubate, lumabas lahat ng gatas. :'( :( Everything was done to bring back the life of this precious little angel kaso dilated na pupils ng bata (yung gitnang gitna sa itim ng mata, bumuka na), no more heart rate, lifeless na talaga. :( :( :'( :'( Totoong scenario ito. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Mommies and daddies, please, reminder lang na please itaas nyo ang upper body ng baby pag magpapdede, mas maganda if halos nakaupo na... Ilang bwan lang tayo magsasakripisyo sa gabi sa puyat at pagod. After ilang bwan o taon, hindi naman na dedede yan. And always ipa burp every after feeding. Kasi pwede ding naglungad ang baby kaso nakahiga din. *Hindi porket nakakadede ang baby ng nakahiga eh ayos sa kanila yan, sadyang gutom nalang talaga sila at walang lakas para sabihin na itaas mo katawan nila habang dumedede. Ikaw try mo uminom ng nakahiga. Kaya mo?* Please keep in mind that they depend solely on us. There's noone to blame but us. Pero support and guidance ang ibigay natin sa mga grieving moms who lost their angels. Please spread awareness on Aspiration Pneumonia and SIDS. Please share!!!! Be aware mommies!!! ? CTTO

16 Các câu trả lời

Same case sa apo ng kasamahan ng mama ko sa work. Iniwan sa nag aalaga kasi may pasok sila. Yung nag aalaga iniwan nadede yung baby, sinangkalan lang ng unan yung bote. Iniwan mag isa sa kwarto. Pagbalik patay na yung baby. 10am iniwan sa yaya around 1130am dead na si baby.

VIP Member

Tama dapat elevated ang upper body ni baby. Hindi lang head part. Kahit ikaw naman na adult pag pinakain o pinainom ng nakahigang flat sa bed..di ka ba mabulunan?! Or worst malunod.. Tsk tsk tsk. Will pray for this little angel

thanks for reminding us! ayan mga momshies , konting sakripisyo naten ay malaking bagay para sa safety ng mga babies naten kaya wag tulugan si baby lalo pag newborn sa pagdede nila..

Haynako.... Ilang beses kong pinagsasasabi MIL ko about jan... Keber kahit ilang beses ko sabihin laat week sa harap ko pa mismo pahiga parin pinapaded3 si baby haaaaaaays

Nabasa ko nga ito.. nakakalungkot bigla tuloy akong na guilty minsan kasi sa sobrang antok ko ibinababa ko agad c baby sa madaling araw kahit hnd pa nag burp

same here

Kawawa naman si baby, ako kahit anong puyat or antok ko pag pinapa feed ko ang baby ko, naka up talaga ang ulo, hirap nyan

Nakakalungkot naman kaya dapat talaga may kasama tayo sa pagaalaga para may oras din naman tayo magpahinga minsan.

Kakaiyak😭😭😭magtitiis akong di makatulog at mapuyat palagi para kay baby.. Nakakatakot naman po yan

Mas maganda talaga ung pure Breastfeeding kahit na maka tulog ka sa subrang pagod...ok lang..

Korek. First born ko ganon kami. Unli latch, sidelying position kapag antok na antok na ko pero pag gising na gising naman nakaupo kami.

Kahit po ba bf dapat elevated? Pregnant. FTM.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan