11 Các câu trả lời

Wag po kayo gagamit ng baby oil at petroleum jelly sa rashes ni baby baka lalo lang pong ma-irritate, ganyan po kasi si baby ko nung naglagay ako ng peteoleum jelly mainit po kasi sa katawan yun. Baka po bungang araw yang nasa leeg po nya. Try mo mommy drapolene cream effective po sya for rashes. Paliguan din po si baby araw araw and pwede po ninyo lagyan ng alcohol paligo nya nabasa ko din po dito sa app yun 😊.

Momsh petroleum jelly ay hindi po maganda sa baby lalo pa at mainit yan marami pong pwede katulad ng Rash free, drapolene o calmosiptine na recommended pang baby talaga wag din po lagyan ng baby oil di po pang rashes yan maawa ka si baby mo. 1 week pa lang sensitive pa ang skin nyan.

try mo po momsh coconut oil.yan kasi nilalagay ko kay lo ko.and hanggang ngayon hindi po siya nagkakarashes pa. tapos wag mong hayaan mabasa ng gatas ang leeg niya.always mo i dry if natuluan.☺️

Hello po nabrowse ko po ung post na to at same concern na dn po. Ung rashes po na cause ng baby oil ano po ung nilagay nyo pra mwala? Hoping na manotice po ung question.

wag po baby oil..mainit po yun..mas maganda po maligamgam na tubig ..dampi dampi lng konti.kailangan po tuyo tlga leeg niya .tska iwasan mababaran ng gatas.

Lactacyd liquid baby powder. Parang lotion sya. Tested na yun gamit ng anak ko weeks pa lang hanggang nag 1 yr old.

VIP Member

Momsh wag petroleum jelly or baby oil kc mainit sa balat un. Try mo calmoseptine or eczacort.

Try niyo po calmoceptine and dapaf laging tuyo po leeg ng baby mo

Wag po baby oil baka lalo mairritate kasi mainit sa pakiramdam

VIP Member

hi sis kung nagbrebreastfeed ka maganda ihaplos yung breastmilk

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan