54 Các câu trả lời
FYI sa bigkis. Dinala sa aking clinic kamakailan lamang ang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa madalas na pag-ubo, madalas na pagsusuka lalo na pagkatapos dumede, hirap sa paghinga at pagiging iritable. Sa aking eksaminasyon, tumambad sa akin ang matinding pagkakabigkis sa bata (makikita sa litrato sa ibaba ang marka ng bigkis sa sanggol) at may narinig na rin akong senyales ng pulmonya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit IPINAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG BIGKIS. Paano makakahinga nang maayos ang isang sanggol kung napakahigpit ng pagkakabigkis sa kanila at hindi na makakapag-expand ang baga? Paano ninyo aasahang bababa ang gatas sa bituka kung may matinding harang na nilagay sa kanyang tiyan? Malamang magsusuka talaga sila, mapupunta ang ilang patak ng gatas sa baga at magiging dahilan ng pulmonya. IWASAN NA PO NATIN AT HUWAG NANG IPAGPILITAN ANG MGA NAKAUGALIAN NGUNIT NAPATUNAYANG NAKASASAMA SA MGA SANGGOL. #BawalNaAngBigkis #DocHugotCares
Hindi na raw po advisable ang bigkis sabi ng ilang mga Doctor dahil nasisikipan daw po ang tiyan ng baby. May chance na kapag nabusog nang husto ang bata, magexpand ang tiyan niya, ngayon kapag sobrang expand e sisikip yung bigkis, maaari magsuka yung baby po ninyo. Nabasa ko lang po sa DocHugot FB Page
Nabasa ko nga din po Yun sa DocHugot after ko mgtanong nito.. 😁 Thanks
Pampito ko na tong pinagbubuntis ko pero never akong gumamit ng bigkis . Sabe kase ng midwife ko nun di daw makakahinga ng maayos ang baby so mula sa panganay hanggang dito sa pinagbubuntis ko hinde ako magbibigkis . Di pa makakasingaw yung sugat sa pusod ni baby .
Wag lang po higpitan... hndi po recommended ng pedia pero hndi din naman as in bawal.. nasasayo naman po yan, ingat lang din po na hindi maipit si baby, pwede po sya hanggat kasya pa kay baby bigkis pero pag hndi na wag na po pilitin pagkasyahin kawawa si baby...
Hnd advisable ang bigkis pero ung mom q binigkis nya baby ko pero nung natangal na ung pusod dna nya binigkis kc katwiran pra hnd lng magalaw ung pusod iba kc katwiran pra dw maganda shape bilog katawan pg laki na kng icpin mo nga naman napakalaking kalokohan lng
Wee Kalokohan Lang ba yon kanya kanya Po kase Yan .
Hindi kmi pinagbigkis na ng pedia namin po..para daw po mabilis mag heal ung puzod ni baby kaya di kmi pinag bigkis at wala daw pong scientific explanation bakit po nag bibigkis.. Pero sabi ng nanay ko, pampaseksi daw ehehe di naman ako sexy🤣
😂😂🤣🤣🤣😂🤣🤣🤣
Sa isa ko pedia okay namam to use the bigkis huwga lang masyado masikip and mas mainam kubg bellow the navel ang pagkakalagay kasi sa case ko babay boy aya to avoid luslos kasabihan ng matatanda. Never naman nahirapan baby ko he's now 6mos old
1st Bby ko din non hanggang 2Months naka bigkis padin siya
Sabi ng mga matatanda para hindi madaling kabagin c baby,yung pedia ng anak ko hindi recommend yung gnyan pero sabi nya bilang respect din sa mga beliefs wala naman masama basta wag lng higpitan dahil para sa bata naman yun..
Bawal na po bigkis. Pero ako dati nagamit until 2 months ata sa 2 kids ko maliit tyan nila ngayon at my korte . Bunso ko kasi nakausli yung pusod naging okay nadin. Siguro sa mga gumagamit pa ng bigkis wag msyado mahigpit.
Hindi po advisable ang bigkis.Pero si baby hanggang ngayon 6months binibigkisan ko nag start sya mga bigkis ay mag 2months na pansin ko kase yung pusod nya na ultaw/tumataas pag umiiyak at panay ire din kase.
Anonymous