Hospital Bag

Para sa mga mommy na manganganak po this coming September. Share ko po sa inyo kung ano-ano ang mga bagay na dinala ko sa hospital bag. I'm not an expert po at lahat ng ito ay base sa karanasan at natutunan ko. • photocopy of laboratory (ang mga hospital once binigay mo po mga laboratory like CBC, Urinalysis, ultrasound etc. hindi na po nila ito ibabalik, record na po nila yun kaya po better na meron po kayong photocopy para po iyon ang ibigay nyo po sa kanila at mapunta po sayo ang mga original na laboratory results. base po sa karanasan ko na di ko na po nakuha even yung original ultrasound ko.) • For the mother - 3pcs or more than 3pcs of adult diaper - sanitary napkin - postpartum clothes atleast for 3days use (easy to wear dress/duster) - personal hygiene kit (soap, shampoo, alcohol, tissue, wipes) - clothes for going out from the hospital - food and water (mineral water, biscuits and candy) (sa first baby sa hospital ako nanganak at pinaligo nila ko bago manganak at pinaligo ulit nila ko kinabukasan at wala kong kadala-dalang towel at even shampoo wala po) • For the baby - diaper for 3 days use (di naman po magastos sa diaper ang bagong panganak atleast 2pcs of diapers a day ang nagagamit nya nun) - baby clothes for 3 days ( bonnet, mitten, baro-baruan damit at pajama/short ng baby. Ang mga hospital and lying-in hindi na naniniwala sa bigkis at lampin but if you prefer na gunamit si baby nyo you can bring pa rin po) - baby's essential (baby shampoo, baby oil, alcohol, tissue and wipes etc. ang iba po nagdadala Manzanilla/efficascent, lotion, betadine pero may mga doctor na di sila pumapayag lagyan ng Manzanilla/efficascent) - bimpo and towel/receiving blanket - clothes for going out lahat po ng gamit na kailangan para sa baby at sinasabi naman ng nurse kung ano kaylangan nila ang mahalaga po prepare po kayo sa mga posibleng kailangan po nila. i advised din po na iremind ng lahat ng mga gamit na nilagay nyo po sa bag nyo sa taong makakasama nyo po sa hospital like asawa, magulang o sa kapatid na magiging bantay nyo po doon. mahalaga po na alam po nila kung ano mga nakalagay sa bag or saan iniayos ang bawat gamit na kakailangan po ninyo.

1 Các câu trả lời

TapFluencer

mga papeles din po para sa pagpaparehistro kay baby 😊😊😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan