Para makatipid ngayong may pandemya, maari po tayong magpa-bakuna ng libre sa mga health centers na malapit sa atin. Makipag coordinate lamang tayo sa mga health workers. Alamin muna ang schedule ng inyong health center para hindi ma-expose si baby sa labas ng bahay.
Ang mga sumusunod ay dapat gawin sa tuwing pupunta sa health center:
1. Magsuot ng facemask
2. Magdala ng sariling alcohol at ballpen
3. Magsuot ng Faceshield
4. Sumunod sa social distancing at curfew sa inyong lugar
5. Bawal suotan ng facemask ang baby na 2 years old and below. Pwede sila lagyan ng swaddles para hindi masyado ma expose sa ibang tao.
Ingat po tayong lahat!
#librengbakunasacenter #librebakuna