9 Các câu trả lời

Consult your OB immediately momsh. Kasi it happened to me before, parang merong lumabas na tubig sa akin. Siguro mga 1 kutsarang tubig kaya basa rin ang underwear ko. Di pa nga naniniwala ang partner ko kasi maaga pa raw masyado. Then I told my OB about it nung late at night na sa next day, she told me na magpunta agad sa clinic para ma.IE nya ako. Nagpunta kami nung tanghali na tapos pagka.IE nya sakin 2cm na pala ako and may dugo na sa fingers niya meaning nagleleaking na pala ang bag of water ko nung time na basa ang underwear ko. I was still 36 weeks and 4 days nung time na yun. After akong ma.iE dinala agad sa labor room kasi sign na yun na manganganak na ako or kailangan ko ng ipanganak ang bata. Wala akong naramdamang labor pain kaya magulat talaga ako sa bilis ng mga pangyayari. Dapat pag may leaking ka, magpunta ka agad sa hospital or OB within 24 hours para macheck ang status niyo ni baby kasi wala ng nakaharang sa ulonan ni baby na syang magpoprotect against sa bacteria kaya if lagpas 24 hrs. kanang nagleleaking, more likely tuturukan ka nila ng antibiotic para makaiwas ka lalo na ang baby sa infection. Based sa experience ko, kahit pinadaan ang antibiotic sa IV line/dextrose ramdam na ramdam ko ang sakit sa ugat ko nung dumaloy na ang gamot. As in tinatap ko na lang ang wrist/arm ko kasi parang pinapaso sa hapdi at sakit ang ugat ko na talagang tutulo talaga luha mo.

Thankyou for info and sharing your story momshie❤️

Basang basa ba na parang tumatagas talaga? Or hindi naman? Possible kasi na natutulak ang bladder mo kaya may involuntary na pag ihi ka. Pero kung tumatagas or umaagos yung tubig na parang bumubulwak bigla tapos saka ka palang maiihi, mag pacheck up kana agad sa OB mo o sa ER kasi baka panubigan na yan.

Basa lang po ung underware ko yung tipong kakapalot ko lang po tas maya maya basa na po sya parang isang kutcharita po ng tubig

pacheck up kna po. ganyan po ako nung december 5. akala ko po wiwi lang, hindi po pala kse walang amoy. pagdating ko sa ER, 5cm nko at open na ang cervix ko. nanganak ako december 6 via normal delivery. pero nasa nicu parin si baby since 28weeks lang sya nun. 😞

Thankyou po momshh❤️

Mommy tell ur OB po nung naospital ako for operation naman un while buntis, kala ko tmtagas lang ung wiwi. Amniotic fluid na pala kaya inultrasound ako nakita kaonti nlng. Better safe than sorry mommy! God bless

Okay po thankyou momshie for the advice❤️

good day po ask kolang if madalas naninigas tummy okay lang poba un tapos sumasabay ung pagsiksik nya walang tigil 😌 im on third trimester napo thanks

consult your OB para macheck ng maayos. wag na po ipagpaliban kasi kung amniotic fluid na nga yan, di maganda sa health ni baby kung kumokonti na..

Sabi nga po delikado pag konti na yung pnubigan, thankyou momsh❤️

VIP Member

Mas okay magpa ultrasound ka mi if nagddoubt ka. Delikado pag nagleleak ang panubigan baka matuyuan ka.

Tell your OB about that, kc hindi maganda if mauubos ang amniotic fluid

Thankyou po momshie❤️

Pa check up ka para makita ng OB if leaking or no

Thankyou po momshie❤️❤️

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan