Pano po Kaya gagawin ko sa asawa ko na adik ka kalaro ng online games? Yung tipong cellphone nalang hawak nya lagi at mga kalaro nya kausap nya araw-araw Gabi Gabi. Kahit ilang beses ko na kinausap, wala pa rin pagbabago. Kung ilang Taon na anak ko, ganun na rin sya ka tagal naglalaro. Araw araw nga kasama sa bahay parang hindi naman namin kasama kasi nakatuon Yung atensyon nya sa paglalaro. Ilang beses na rin po ako umiyak dahil dito.