Side lying position for newborn
Pano po ba side lying position for breastfeeding, nakaflat po ba head ni lo or dapat may unan sya? No need po ba ipaburp?
Side lying position ang nakapag save samin ng NB ko nung unang weeks since hanggang 4th degree yung tahi sakin at umiiyak talaga ako sa sakit every time na umuupo. Hanggang ngayon na almost 3 months na si baby, madalas kami mag side lying specially pag night time para dirediretso tulog naming dalawa. Anyway, yung position namin is pareho kami nakaside view at magkaharap sa isa't isa. Bali, tummy to tummy kami ni baby. Tapos hindi totally pantay yung bibig niya and nipple ko. Nakaangat ako ng konti para nakatingala si baby ng konti. Para makalunok siya ng maayos and di maharangan ng boobie ko yung ilong niya. Minsan, naka-unan siya, minsan sa braso ko siya mismo pinapag unan, para nakaalalay ako sa likod niya and manatili siya na nakaside. Minsan kasi nagfflat yung likod niya sa bed tapos ulo niya lang nakaharap sakin. Dapat buong katawan niya nakaharap. Personally, di ko na siya pinapag burp pag ganito yung position. So far, wala namang problems. Mas nasasamid pa siya and naglulungad kasi pag normal na breast feeding position kami. Never pa kapag side lying. ☺️
Đọc thêmMiii no po! Bawal pa po magpadede ng nakahiga lalo na newborn palang. Tuwing magpadede ka upo ka. Wag na wag nio po padedein si baby ng nakaflat. Pwede mapunta sa baga ni baby ang milk. Pinadede ko po ang baby ko noon ng nakahiga almost 1yr old na po siya. Wag po kayo makinig sa iba na kesyo pwede na padedein ng nakahiga, no po lalo na kung malakas ang milk nio malulunod si baby. Tinanong ko rin sa pedia noon kung pwede na nga ba padedein si baby ng nakahiga not advisable pa po, less than 6months ko po yata tinanong yun sa pedia ng baby ko. Sinabi rin sakin ng hipag ko noon na pwede na padedein ng nakahiga pero di ako nakinig, malakas kasi milk ko nun kaya alam kong hindi pwede dahil pwede siyang masamid.
Đọc thêmtrue mamsh. yung mga nurse sa hospital, pinapagalitan kaming mga momsh na nagpapaside lying sa mga newborn babies doon sa nursing ward. kaya takot din akong magpabreastfeed ng side lying hanggang wala pang full control si baby.
lagi po dapat na nakaangat po ng bahagya ang ulo ni baby while ngpapadede. at always po mgpaburp para maalis po yung gas sa nasisipsip po nya sa bote. or kung di po sya mkpagburp make sure po na 20-30 minutes po ay nakaslant position po sya. ang pag papahiga po ng busog si baby according to my pedia ay ngcacause daw po ng pneumonia, lungad na lumalabas sa bibig,sa ilong o di kaya minsan sa napupunta sa baga.
Đọc thêmAko, winait ko na maka-one month si baby bago namin triny mag-side lying position for breastfeeding. Ginagawa ko lang to kapag gabi at di ko sya tinutulugan. Okay sya samin kasi hindi ganun kalakas milk ko tapos sinusunod namin yung proper position for sidelying.
never ako nag side lying sa newborn. lagi ako naka upo magpadede sis kasi takot ako sa ganyan position kht sabi ng iba safe naman but I cant take a risk. prang 1yr old na eldest ko nun nung nag side lying position kami. Always paburo si baby after feed.
ikaw sis saken kasi ayoko tlaga eh. Gamit ka ng nursing pillow
check nyo Po mie bka merong mga vlog sa YouTube how to do it or ask pedia pra sure.
dapat po naka angat ulo ni baby and tagilid sya dapat mag tama tummy nyo
dagdag ko lang wag nyo pong tutulugan baby nyo ng nadede kapag naka side lying kayo and ipa burp nyo po pag tapos need po yun minsan kasi may natitira na gatas sa lalamunan nila
be generous to others